Gerald Anderson, ayaw masaktan si Ivana Alawi sa eksena sa 'A Family Affair' habang walang suot na...

Gerald Anderson, ayaw masaktan si Ivana Alawi sa eksena sa 'A Family Affair' habang walang suot na...

Gerald Anderson, ayaw masaktan si Ivana Alawi sa eksena sa 'A Family Affair' habang walang suot na...
- Ibinida ni Ivana Alawi na lahat ng kanyang co-star sa 'A Family Affair' ay 'maalaga' ngunit bukod-tangi si Gerald Anderson

- Naikwento rin niya na mayroon siyang eksena na walang nakasuot na pares ng tsinelas kaya naman tila nag-alala si Gerald

- Mismong si Gerald umano ang nagwalis ng sahig upang walang bubog o kung anuman na maaaring makasakit kay Ivana

Sa panayam ng ABS-CBN sa sexy vlogger at leading lady na si Ivana Alawi, may naikwento ito sa kanyang co-stars sa highly anticipated drama ng Kapamilya Network na 'A Family Affair'.

Kwento niya, 'maalaga' ang kanyang mga leading men kabilang na sina Gerald Anderson, Sam Milby, at kasama na rin sina Jake Ejercito at Jameson Blake. Ngunit ang bukod-tangi sa mga ito ay ang kanyang asawa sa serye, si Gerald.

Inalala rin nin Ivana ang isang eksena sa shooting kung saan kailangan niyang tumakbo habang walang nakasuot na pares ng tsinelas. Tila nag-alala umano si Gerald sa kanya dahil baka masaktan ito.

Winalis ulit ng aktor ang sahig kung saan tatakbo si Ivana upang walang bubog o anuman na makakasugat habang nakayapak ang aktres sa eksena.

"Kasi may scene na tumatakbo akong nakapaa tapos siya mismo yung nagwawalis. Sabi ni Gerald sa akin, ‘Ha tatakbo ka wala kang tsinelas?’ Pero sabi ko nalinis na nila so okay lang yan. 

"Sabi niya, ‘Hindi, hindi akin na yung walis. Walisin ko ulit.’ Baka kasi may bubog or something kahit nalinis na siya ng production. Nagwawalis siya. Sabi ko sobrang bait naman," dagdag pa ni Ivana Alawi.