Ivana, inaming naghalikan agad sila ni Sam Milby kahit hindi pa magkakilala: "Yes! Nahalikan ko na..."

Ivana, inaming naghalikan agad sila ni Sam Milby kahit hindi pa magkakilala: "Yes! Nahalikan ko na..."

Ivana, inaming naghalikan agad sila ni Sam Milby kahit hindi pa magkakilala: "Yes! Nahalikan ko na..."
- May pag-amin na naganap sa pagitan ng 'A Family Affair' stars na sina Ivana Alawi at Sam Milby sa naganap na mediacon ng serye

- Ibinunyag kasi ni Ivana na noong una nilang magsama sa kanilang proyekto ay walang linya kundi halikan agad ang eksena nila ni Sam

- Tila nagulat nga raw ito dahil pagdating niya sa set ay sinabi sa kanyang hahalikan niya ang aktor sa pelikulang '3pol Trobol'

Halikan agad ang na-assign na gagawin ng 'A Family Affair' stars na sina Ivana Alawi at Sam Milby kahit hindi pa ito magkakilala.

Iyan ang inamin ni Ivana Alawi sa naganap na mediacon ng kanilang serye kung saan nakasama rin nila sina Gerald Anderson, Jake Ejercito, at Jameson Blake.

Alam naman ng lahat ng mga tagasubaybay ni Ivana na talagang crush niya si Sam Milby kaya naman para sa kanya ay dream come true na makatrabaho ang aktor sa A Family Affair.

Ngunit bago pa ang kanilang pagganap sa nasabing Kapamilya teleserye, una muna silang nagkasama sa MMFF movie entry nina Coco Martin na '3pol Trobol: Huli Ka Balbon" noong 2019.

Kwento ni Ivana, “Alam naman niya (Sam), tsaka nasabi ko naman yun sa vlog ko na naging crush ko si Sam. Humahanga pa rin ako sa kanya, kasi he’s a very, very great person.”

Eksenang halikan daw agad ang bumungad sa kanya at ni Sam kahit hindi pa sila ganoon magkakilala. “Wala, halikan lang yun! Walang line,” mabilis na saad ng sexy vlogger.

“Kasi yung set-up, I wasn’t there. Tapos pagdating ko, sabi sa akin, ‘Hahalikan mo si Sam.’ ‘Ha?!’

“Siyempre pagpunta ko du’n, ‘Hi,’ nag-iisang scene. Di pa kami nai-introduce, we didn’t even get to talk, kiss agad," dagdag pa ni Ivana habang ipinagpapatuloy na ikwento ang nangyari sa kanila ni Sam.

Nagulat nga rin siya dahil paulit-ulit umano ang halikan scenes na sinabi sa kanya ngunit pagkatapos nito ay nakapagkwentuhan na sila ng Kapamilya hunk.

“Tapos cut. Kiss ulit, kiss ulit. Sabi ko, ‘Huh! Ang dami naman.’ Tapos after nu’n nakapagkuwentuhan na kami,” aniya pa.

At dahil nga crush niya si Sam, sumingit naman sa usapan ang A Family Affair director na si Jerome Pobocan upang sabihing 'achieved na achieved' ni Ivana ang eksenang iyon.

“Yes! Nahalikan ko na si Sam!” saad pa ng aktres.