Robi Domingo 'di sinasadyang mabanggit ang tunay na relasyon ng DonBelle: "Sila na!"

Robi Domingo 'di sinasadyang mabanggit ang tunay na relasyon ng DonBelle: "Sila na!"

Robi Domingo 'di sinasadyang mabanggit ang tunay na relasyon ng DonBelle: "Sila na!"


 - Tila nadulas ang ASAP host na si Robi Domingo sa birthday celebration ni Belle na ginanap nitong Linggo, June 5

- Kilig din ang DonBelle fans sa munting mensahe ni Donny para kay Belle na siya namang tinukso nina Luis at Robi

- Ngunit nang madulas nga si Robi ay hindi ito pinabulaanan at 'di na umimik ang DonBelle na sinundan nalang nila ng tawa

Bonggang birthday party ang ginanap sa ASAP nitong nagdaang Linggo upang i-celebrate ang birthday ng 'He's Into Her' star na si Belle Mariano na magbi-birthday talaga ng June 10, Biyernes.

Present sa nasabing programa ang rumored boyfriend niyang si Donny Pangilinan na nagbigay pa sa kanya ng heartfelt message na nagpakilig sa mga DonBelle fans.

"Happiness" ang tanging hiling ng Kapamilya star sa kanyang mga mahal sa buhay pati na rin sa mga nagmamahal sa kanya na hiniritan ni Robi ng, “Belle I will keep my promise, wala akong sasabihin ngayon.”

“But you’re happy right now?” dagdag ni Robi na sinagot ni Belle ng, "Yeah hahaha."

Para naman kay Donny, “Unang-una sobrang proud ako sa iyo, grabe. Na-witness ko ang buong journey mo, simula noong ‘He’s Into Her.”

Hindi pa tapos si Donny sa kanyang mensahe ay tinukso na sila ni Luis at ni Robi. Singit ni Luis, "Kaya niyo na 'yan!" na sinundan din ni Robi ng, "Sila na 'yan! Sila na!"

Wala nang sinagot ang dalawa ngunit ipinadaan nalang nila sa tawa.

Pagpapatuloy pa ni Donny, "and I’m so lucky that I get to be here by your side."