Mga OFWs, nagpasalamat kina Vice dahil sa kabutihang ginawa nito sa kanila: "nadaanan ko sila tapos..."

Mga OFWs, nagpasalamat kina Vice dahil sa kabutihang ginawa nito sa kanila: "nadaanan ko sila tapos..."

Mga OFWs, nagpasalamat kina Vice dahil sa kabutihang ginawa nito sa kanila: "nadaanan ko sila tapos..."

 


- Nagpasalamat ang mga OFWs na nadaanan ni Vice Ganda sa mall habang sila'y nasa Singapore kasama si Ion Perez

- Pinang-shopping kasi niya ang mga ito dahil narinig umano niya na pinag-iisipan ng OFW kung bibilhin niya ang belt bag, na kanina pa nila binabalik-balikan

- Natanong naman ni Ion si Vice kung bakit naisipan niyang ilibre ang mga OFW nang biglaan

Napuno ng positibong komento ang bagong vlog ng Unkabogable superstar na si Vice Ganda sa YouTube nang ilibre niya ang kanilang nadaanang OFWs habang nasa Singapore. 

Kasama niyang naglibot ang kanyang boyfriend na si Ion Perez sa kanilang vlog na may pamagat na 'Ang Pangarap Kong Shopping.'

Sa video ay makikita ang saya at ang walang tigil na pagpapasalamat ng mga ito kay Vice nang ilibre sila ng Kapamilya star.

Habang papaalis ng store, 'di napigilan ni Ion na tanungin si Vice kung bakit niya bigla nalang nilibre ang mga OFWs.

"Kasi nadaanan ko sila tapos kinuha nung babae yung belt bag, sabi niya, 'Bibilin ko ba?' Tas ang tagal niyang pinagiisipan kung bibilin niya yung belt bag. Parang gusto niya, kaya lang iniisip niya. 

"Siguro may pinaglalaanan siyang pera tas naisip niya kung may extra, ibibili niya doon. Eh feeling ko gusto niya yung bag kaya binalikan ko siya, kasi nandun sila sa mga belt bag, tas pabalik-balik talaga sila," pagbabahagi ni Vice.