Julia, spotted na may singsing katulad ng kay Coco; Ogie Diaz: "ibigay natin sa kanila ang..."

Julia, spotted na may singsing katulad ng kay Coco; Ogie Diaz: "ibigay natin sa kanila ang..."

Julia, spotted na may singsing katulad ng kay Coco; Ogie Diaz: "ibigay natin sa kanila ang..."


 - Naging usap-usapan kamakailan ang mga litrato ni Coco Martin na dumadalo sa burol ng namapayapang si Susan Roces habang suot-suot ang kanyang 'di umano'y wedding ring

- Sa 'Showbiz Update' vlog naman nina Ogie Diaz ay napag-usapan nila ang kamukhang singsing ni Julia sa isang episode ng 'Ang Probinsyano' 

- Ang komento naman ni Ogie dito ay hayaan daw natin sina Coco at Julia kung gusto nilang magbigay ng pahayag hinggil sa kumakalat na chika

Muli na namang napag-usapan ang 'Ang Probinsyano' stars na sina Coco Martin at Julia Montes dahil sa kanilang singsing na 'di umano'y wedding ring dahil sa pagkakahawig ng kanilang suot-suot.

Matatandaang umingay na rin noon na kasal na si Coco base sa mga chikang lumabas kaugnay sa pagsusuot niya ng singsing noong dumalo siya sa burol ng 'Queen of Philippine Movies' na si Ms. Susan Roces.

Ito naman ang napag-usapan nina Ogie Diaz, Mama Loi, Tita Jegs, at Dyosa Pockoh sa bagong episode ng 'Showbiz Update' nang ibinahagi ni Mama Loi na mayroong nag-send sa kanya ng screenshot.

Ang screenshot na tinutukoy nito ay ang isang eksena ni Julia sa Ang Probinsyano na agaw-pansin sa kanyang suot-suot na singsing atsaka itinanong sa kanya kung toto bang kasal na nga ba ang CocoJul.

“Tinatanong niya ako kung kasal na ba tong si Coco Martin at si Julia Montes,” pagbabahagi ni Mama Loi sa sinasabing singsing ni Julia na kamukha ng kay Coco.

“Hayaan natin sila kung gusto nilang humanap ng timing para mag-comment tungkol doon sa singsing. Kasi malay naman natin, props lang pala sa ‘Ang Probinsyano’ yung singsing na ‘yun,” dagdag pa niya.

Para naman kay Ogie, "Ang paniniwala ko dyan, ibigay natin sa kanila ang kanilang privacy dahil sabi nga ni Coco noong araw, ‘yung nagaganap sa loob ng pamamahay niya ay kanya lang. Hindi na niya para i-share pa ito sa mga tao.”

“Kung may mga chikang ganyan, hayaan natin silang sumagot kung totoo man yan. At the end of the day, hindi naman tayo ang magdadala nyan. Hindi rin naman tayo ang bumubuhay sa kanila. Sila naman yan. Nakiki-Marites lang tayo kaya ibigay natin yan kay Coco kung totoo man na siya ay may anak na o sila ni Julia ay may anak na. Kung totoo man na sila’y kasal na,” pahayag pa nito.