Maymay, inaming nami-miss ang alaga ng kanyang boyfriend: "Ganito pala yung feeling..."

Maymay, inaming nami-miss ang alaga ng kanyang boyfriend: "Ganito pala yung feeling..."

Maymay, inaming nami-miss ang alaga ng kanyang boyfriend: "Ganito pala yung feeling..."

 

- Inamin ni Maymay Entrata na nami-miss niya ang alaga ng kanyang boyfriend na si Aaron Haskell ngayong magkahiwalay sila ng bansang naroroon

- Aniya, nasaktan daw siya nang magkahiwalay sila dahil nakadepende siya rito at nararamdaman niyang 'secured' siya sa tabi ni Aaron

- 'Kilig much' naman siya nang ibahagi niya kung anong pakiramdam ng isang 'priority' dahil 'consistent' umano ang pagmamahal sa kanya ni Aaron

Matatandaang ginulat ni Kapamilya actress Maymay Entrata ang buong bansa nang ipakilala niya sa kanyang Instagram account ang kanyang boyfriend na si Aaron Haskell, matapos lumipad sa ibang bansa.

Ngunit ngayon ay magkahiwalay na sila ng landas nang umuwi na ng Pilipinas si Maymay habang naiwan naman sa Canada si Aaron.

Naikwento naman ng aktres ang sakit na naramdaman niya nang magkahiwalay na sila ni Aaron at kung paano niya nami-miss ang pag-aalaga nito sa kanya.

“Alam mo ‘yung mas masakit kasi alam mong inalagaan ka nang maayos, inalagaan ang puso mo. Tapos, yung alam mong pinapahalagahan ka talaga niya. Kaya dun ako masyadong nasaktan kasi nag-depend na ako sa kanya — yung feeling mo na secured ka,” kwento ni Maymay.

“Kapag consistent ‘yung nagmamahal sayo araw-araw kang mapo-fall, hindi lang sa umpisa. Araw-araw talaga. Ganito pala yung feeling na ako ‘yung priority,” pahayag pa niya.