Sam Milby, ikinuwentong napagod ngunit nag-enjoy si Ivana sa kanilang activity: "She enjoyed..."

Sam Milby, ikinuwentong napagod ngunit nag-enjoy si Ivana sa kanilang activity: "She enjoyed..."

Sam Milby, ikinuwentong napagod ngunit nag-enjoy si Ivana sa kanilang activity: "She enjoyed..."


 - Sa naganap na virtual presscon ni Sam Milby para sa 'A Family Affair', naikwento niya ang kanyang karanasan sa trabaho kasama si Ivana Alawi

- Masaya at madali raw itong katrabaho ngunit maghanda nalang daw sa mga pang-aasar na gagawin ng aktres kapag nakasama ito

- Nag-enjoy naman daw si Ivana sa kanilang ginawang 'simple hiking' kahit na hindi gusto ng aktres ang anumang aktibidad na nakakapagod

Nitong nagdaang June 8, nagkaroon ng solo virtual press conference ang Kapamilya hunk na si Sam Milby para sa kanilang bagong seryeng 'A Family Affair' kung saan makakasama niya sina Ivana Alawi, Gerald Anderson, Jake Ejercito, at Jameson Blake.

Naikwento ni Sam sa harap ng press ang mga karanasan niya kay Ivana Alawi na tila inilalarawan niya bilang mapang-asar.

“She’s been easy to work with. She is a lot of fun. Just be ready du’n sa mga asar na mangyayari. Hahaha. Don’t make her do hiking. Haha!" pagbabahagi ni Sam.

Bago sumabak sa lock-in taping ang kanyang co-stars, nag-organisa umano siya ng isang araw upang makasama ang kanyang mga katrabaho. Dito niya naisip na mag-hiking sila sa Masungi Georeserve sa Tanay, Rizal.

“Si Ivana, hindi ko alam na ayaw niya mga kahit anong workout or anything like that.

“She does not like anything where she has to exert a lot of physical energy. I think deep down inside, we all agreed na she enjoyed,” sabi ni Sam habang natatawa.

Dagdag pa nito, “Pero ‘yung itsura niya parang ‘Kuya, ilang percent pa? Ha? 75% pa!?’ ‘Yung parang galit na galit siya. Ha-hahaha! It was a 3-hour hike, simple hike. She was showing she was not happy but feeling ko, nag-enjoy siya."

Watch Full here @2:06

Mapapanood ang A Family Affair sa ABS-CBN Primetime Bida ng Kapamilya Channel, A2Z, TV5, at available rin sa Kapamilya Online Live, iWantTFC, at TFC.