Ethel Booba, nagalit kay Vice at pinagtatapon umano ang mga gamit sa kanyang condo

Ethel Booba, nagalit kay Vice at pinagtatapon umano ang mga gamit sa kanyang condo

Ethel Booba, nagalit kay Vice at pinagtatapon umano ang mga gamit sa kanyang condo
- Ikinuwento ni Vice Ganda na minsan ay pinatira niya ang kanyang kaibigang si Ethel Booba sa kanyang condo ngunit nagulat ito sa kanyang ginawa

- Para kay Vice, pabiro nitong sinabi na si Ethel ang pinaka-sakit ng ulo sa kanilang magkakaibigan

- Bumuhos naman ang saya ng netizens na nakapanood sa bagong vlog nito kasama si Ethel Booba

Masayang-masaya ang mga nakapanood ng bagong vlog ng Unkabogable star na si Vice Ganda kung saan nakasama niya sa isang 'cardagulan' ang kaibigan niyang si Ethel Booba.

Present din sa nasabing vlog ang asawa ni Ethel na si Chef Jessie na kasama ring nakipag-kulitan sa nakakatawang kwento ni Vice tungkol kay Ethel.

Kwento nito, naranasan niyang patirahin si Ethel sa kanyang condo ngunit nagulat nang itapon nito ang mga gamit niya. Aminado naman ito sa kanyang ginawa at natawa nalang ang asawa niya sa kwento ni Vice.

Nang tanungin umano niya si Ethel kung bakit niya ito nagawa ay dahil umano nagalit siya kay Vice nang dapat ay matutulog na siya ngunit hindi pa ito dumadating sa kanilang condo.

Napuno naman ng katatawanan ang comment section ng viral vlog na ito ni Vice.