Cristy Fermin, hinamon si Julia Montes na aminin ang dapat aminin kung buntis ito: "Aminin na..."

Cristy Fermin, hinamon si Julia Montes na aminin ang dapat aminin kung buntis ito: "Aminin na..."

Cristy Fermin, hinamon si Julia Montes na aminin ang dapat aminin kung buntis ito: "Aminin na..."
- May hamon si Cristy Fermin sa aktres na si Julia Montes na aminin na ang totoo kung buntis nga ba ito o hindi

- Muli na naman kasing lumalabas ang mga balitang buntis si Julia simulo noong hindi ito sumipot sa burol ni Susan Roces

- Ayon kasi sa mga netizens, napapansin nilang lumalaki ang tiyan ng aktres at puro naka-takip ang tiyan nito sa mga litrato

Ang Kapamilya actress naman na si Julia Montes ang ngayo'y sinasabing buntis ayon sa mga ipinapakalat ng mga 'marites' online. Ito ay pagkatapos umanong makita nila na tila lumalaki ang tiyan ng aktres at laging nakatakip sa tuwing kukuhanan ng litrato.

Nakarating naman ang balitang ito sa showbiz insider at columnist na si Cristy Fermin at isa pa sa natalakay nila sa kanilang YouTube channel na 'Showbiz Now Na!' kasama sina Romel Chika at Morly Alinio.

"Nagsimula 'yang ingay ng pagdadalang-tao na 'yan 'nung lamay ni Manang Inday (Susan Roces)," sinimulan ni Cristy.

"Nagpunta po lahat mga ka-chika ang staff, crew, at mga artista ng 'Ang Probinsyano' sa lamay. Nagkaroon ng eulogy, wala si Julia Montes. Hinanap siya. ang dahilan na lumutang, bawal daw pong magpunta sa burol ang buntis," ani pa niya.

Hinamon naman nito si Julia na sana'y aminin na ang dapat aminin kung totoo nga bang buntis o hindi.

"Aminin na ang dapat aminin, mahirap maging sorry sa darating na araw... Ang punto po natin, aminin 'pag ka totoo, i-deny kung walang katotohanan," mensahe nito sa Kapamilya star.