Ama bitbit ang standee ng anak para matanggap ang diploma sa Graduation day sana nito

Ama bitbit ang standee ng anak para matanggap ang diploma sa Graduation day sana nito

Ama bitbit ang standee ng anak para matanggap ang diploma sa Graduation day sana nito
- Viral at usap usapan ngayon ang isang video ng ama sa isang Graduation ceremony

- Bitbit kasi ng isang ama ang standee ng anak niya habang tinatanggap ng diploma nito

- Pumanaw na kasi ang anak niya at hindi na ito naka attend pa sa sana'y graduation niya

Viral, Trending at usap-usapan ngayon ang video ng isang ama na tumanggap ng diploma sa isang graduation ceremony habang butbit ang isang standee.

Sa naturang video ay mapapanood ang pag akyat niya sa stage bitbit ang standee ng anak niya habang tinatanggap ang sana'y diploma na personal na tatanggapin ng kaniyang anak.

Sa report ng DXOM Radyo Bida, isang local station sa Koronadal City, ibinahagi nila na ang anak nito ay hindi na naka attend sa ceremony matapos na pumanaw dahil sa cardiac arrest.

Ang naturang estudyante ay si Mark Sanchez na isang BA English student ng Marvelous College Of Technology Inc. sa Koronadal City.

Ibinahagi pa nito na bago pa man pumanaw si Mark ay ibinahagi nito ang kagalakan sa nalalapit na graduation niya.

“Graduation is a dream come true to everyone it is a meaningful and memorable celebration that pays each students' hard works and sacrifices. This year it is not the end of my journey as a student but it is a new chapter of my life to face new challenges,” post umano ni Mark.

Panoorin ang madamdaming tagpo sa video na ito: