Matteo nagsalita na sa unang pagkakataon patungkol sa umano'y pagbubuntis ng asawang si Sarah

Matteo nagsalita na sa unang pagkakataon patungkol sa umano'y pagbubuntis ng asawang si Sarah

Matteo nagsalita na sa unang pagkakataon patungkol sa umano'y pagbubuntis ng asawang si Sarah
- May sagot si Matteo ukol sa mga netizens na nagtatanong kung totoo nga ang chikang buntis ang kanyang asawa

- Tinuldukan na ito ni Matteo at sinabing hindi totoo ang di-umano'y malapit na pagbubuntis ni Sarah Geronimo

- Nilinaw pa ng aktor na hangin lang umano ang baby bump na nakita ng mga netizens

Pinabulaanan ng aktor na si Matteo Guidicelli ang tanong ng netizens kung totoong baby bump ang nakita nila kay Sarah G sa recent pictures nilang mag-asawa sa Instagram.

Nilinaw niya ito sa panayam sa kanya ng TV Patrol, kung saan ibinida pa niyang napaka-sexy ng kanyang asawa at hangin lang umano ang nasa tiyan ni Sarah sa litrato.

“Wala. Ang sexy nga ng asawa ko, e. Hindi, ano lang ‘yun, hangin lang. Hangin lang ‘yun sa bundok,” paglilinaw niya sa picture nila ni Sarah na pinaghihinalaang buntis.

“Enjoy muna natin ‘yung pagiging mag-asawa. Enjoy-in muna namin ang isa’t isa. Hopefully soon.” Dugtong pa ni Mattteo.

Naikwento naman ni Matteo ang kanilang happy married life lalo na't nito lang February ay nag-celebrate sila ng 2nd anniversary bilang mag-asawa.

“Marriage is one of the most amazing things in life and I’m very very blessed and thankful na I’m blessed with an amazing wife. A wife that amazes me everyday… You’ll always learn more and more about her every single day and I think that is something very very true. Two years pa lang kami but I appreciate the ups and downs everyday,” sabi ng aktor.

Hindi pa niya pinalagpas ang pagkakataong ibahagi kung gaano kasarap mag-bake ang kanyang asawa, "She bakes. Ang sarap ng mga bine-bake niya. She’s amazing. Sarah’s very good. Impressive talaga kung paano siya nagma-mature and evolving as a wife," ani Matteo.

Inamin rin niya na may pinagkakaabalahan ngayon si Sarah na tiyak na ikatutuwa ng mga fans nito. 

“She’s working for something. Malalaman n’yo soon. It’s not just out there yet but she has plans for the future. She’s working closely with Viva to produce these things with her, with our own company and Viva.”