Angeline Quinto, 'di sinasadyang sabihin ang pangalan ng kanyang baby boy

Angeline Quinto, 'di sinasadyang sabihin ang pangalan ng kanyang baby boy

Angeline Quinto, 'di sinasadyang sabihin ang pangalan ng kanyang baby boy
- Nasabi ng celebrity momshie na si Angeline Quinto ang first name ng kanyang baby boy 

- Naghahanda na ang singer sa mga gamit pambata na na-shopping sa mga online stores

- Kamakailan rin ay ipinakilala na ni Angeline ang kanyang kinakasama na ama rin ng kanyang dinadala

Tuwang-tuwa ang Kapamilya singer at actress na si Angeline Quinto na ipamili ng mga gamit ang kanyang first baby boy. 

Bago pa mapalapit ang kanyang panganganak ay nagsigurado na ang singer para sa mga kakailanganing kagamitan ng kanyang sanggol.

Masaya rin nitong ibinahagi ang mga gamit na na-shopping niya para sa kanyang first born. Dahil kulang ang mga ito, namili nalang si Angeline na mga kulang na gamit online. 

Naiintindihan naman daw niya ang rason kung bakit pinagbawalan muna siya ng kanyang doktor na lumabas para na rin sa kalusugan ni baby. 

Ang mga diaper bags at baby carriers ay na-order niya online at pagbibiro niya pang dadating ang mga ito sa 2023. Nadulas naman ito nang sabihin na “Sylvio” ang pangalan ng kanyang anak.