Kit Thompson, may binabalak pala kay Ana Jalandoni bago maganap ang insidente

Kit Thompson, may binabalak pala kay Ana Jalandoni bago maganap ang insidente

Kit Thompson, may binabalak pala kay Ana Jalandoni bago maganap ang insidente
- Napag-usapan nina Ogie Diaz na mahal na mahal pala ni Kit Thompson ang nobya nitong si Ana Jalandoni

- Sa katunayan, tila nakikita na nga raw ni Kit si Ana bilang future wife ngunit tila hindi na ito matutuloy dahil sa nangyaring insidente nila kamakailan

- Labis-labis pa nga raw nitong ipinagmamalaki si Ana sa mga katrabaho nito sa showbiz

May plano na pala ang aktor na si Kit Thompson na pakasalan si Ana Jalandoni base sa pag-uusap ni Ogie Diaz at mga co-host nito sa kanyang mga updates sa mundo ng showbiz.

Mainit-init itong paksa sa social media dahil sa pambu-bugbog umano ng aktor kay Ana Jalandoni, na isa ring aktres. At ang kontrobersyal na isyung ito na nga ang tinalakay ni Ogie Diaz.

Ayon sa kanya, mahal na mahal daw talaga ni Kit ang dati niyang kasintahang si Ana. Sa katunayan, lagi nga raw niyang ipinagmamalaki ang aktres sa mga katrabaho nito sa showbiz.

Siya na nga rin daw ang future wife ng aktor, base sa pananaw ni Kit.

Ipinakilala pa nga raw ni Kit si Ana sa kanyang ina sa kagustuhang pakasalan na ang dating nobya. Ipinaliwanag naman ni Ogie na walang may alam kung nagbigay na ng 'hint' si Ana sa plano ni Kit.

Naikwento pa nga ni Kit sa mga kaibigan nito na nagbabalak si Kit na lumagay na sa tahimik na buhay kasama ang binugbog niya ng si Ana.

“He’s planning to settle na with Ana. In fact ang dami na niyang plano lahat puro si Ana ang kuwento niya. Looking forward na siya for that day,” sabi naman ni Ogie.