AJ Raval sinagot ang tanong sa s*x scandal: “f*ck them all!”

AJ Raval sinagot ang tanong sa s*x scandal: “f*ck them all!”

AJ Raval sinagot ang tanong sa s*x scandal: “f*ck them all!”
- May maanghang na sagot si AJ Raval sa tanong patungkol sa s*x scandal at inamin pang nakakatulong sa kanya ang mga isyu

- Gagampanan ni AJ ang isang karakter sa bagong Vivamax series na 'Iskandalo' bilang isang social media personality na nagkaroon ng isang s*x scandal

- Pinagtatawanan nga raw niya minsan ang mga iskandalong binabato sa kanya dahil tila nae-enjoy niya ito

Bagay na bagay sa sexy actress na si AJ Raval ang titulo ng bago niyang proyektong 'Iskandalo' na mapapanood na ngayong Abril 10 sa Vivamax.

Maaanghang ang mga sagot ng aktres sa virtual mediacon ng nasabing original series ng Vivamax nang matanong siya rito kung nasangkot na ba siya sa isang video o sa isang s*x scandal.

Bilang bida sa kanyang bagong series, bubuhayin niya ang karakter ng isang social media personality na masasangkot sa isang kontrobersyal na s*x scandal. Konektado naman dito ang naging tanong sakanya sa virtual mediacon.

Sina Jay Manalo, Cindy Miranda at Ayanna Misola ang makakasama niya sa series. Kabilang rin sina Angela Morena, Sean de Guzman at Francis Magundayao sa 10-episode 'pasabog' ng Vivamax.

Naging tanong naman kay AJ pati na rin sa ilang cast kung nasangkot na raw ba sila sa isang video o sa s*x scandal. Tapat namang sinagot ni AJ na hindi siya nasangkot sa isang s*x scandal ngunit inaming maraming isyu na ang dumapo sa kanya.

“Hindi ko pa nararanasang magkaroon ng scandal na s*x video. Pero naiskandalo na rin po ako sa mga issue before at, well, para sa akin, f*ck them all!

“Wala na rin po akong masyadong pakialam. Wala rin po akong feelings,” saad ni AJ.

Tila nae-enjoy nga rin ni AJ ang mga isyung ito dahil may 'napupuntahan' ang kanyang career. May panahong pinagtatawanan na nga lang daw niya ang mga iskandalong binabato sa kanya.

“Honestly, parang nae-enjoy ko rin po yung may mga isyu-isyu, kasi that means may kinapupuntahan yung career ko.

“So, may part sa akin na pinagtatawanan ko sila dahil sa mga iskandalo na binubuo nila. Yun lang ang masasabi ko, parang nae-enjoy ko rin po siya,” sabi ng rumored girlfriend ni Aljur Abrenica.