Cristy Fermin, nagsalita sa balitang buntis si Kathryn: "Ito lang ang masasabi ko..."

Cristy Fermin, nagsalita sa balitang buntis si Kathryn: "Ito lang ang masasabi ko..."

Cristy Fermin, nagsalita sa balitang buntis si Kathryn: "Ito lang ang masasabi ko..."
- Pinag-usapan nina Cristy Fermin, sa recent episode ng Cristy Ferminute, ang kalat na larawan ngayon ni Kathryn na sinasabing buntis daw ang aktres

- Sinabi naman ni Cristy na hindi siya naniniwala sa balitang buntis nga si Kathryn at binanggit pa na wala namang masama kung totoo nga ang chismis

- Kinuwento pa ni Romel na kumalat daw ang chismis dahil sa isang 'fake thumbnail' na pinost at nirepost-repost pa sa social media

May chika si Cristy Fermin ukol sa bali-balitang buntis ang aktres na si Kathryn Bernardo, sinabi rin niyang marami umanong nag-contact sa kanya upang malinawan sa mainit na isyu. Ito ay galing mula sa kanyang recent episode para sa kanyang online show na Cristy Ferminute.

Aniya, “Pangungunahan ko na po ang ating mga kababayan, ang ating mga CFMers, lalo na po ang mga tagahanga ng KathNiel. Ito po ay isang isyu na itinawag sa akin ng maraming tao, maraming sources, at iisa po ang kanilang katanungan. Ito po ay kung totoo na nagdadalang-tao ngayon si Kathryn Bernardo.” 

Hindi naman daw siya naniniwala sa kalat na chismis ngunit bumwelta pa at kinuwestiyon kung anong masama kung sakaling buntis nga ang aktres lalo na't napag-usapan na umano ng KathNiel ang pagpapakasal.

“Isa lang po ang sinagot ko, hindi ako naniniwala at kung sakali man na totoo, meron po bang kuwestiyon? E alam naman natin na mahigit na isang dekada na silang magkarelasyon ni Daniel Padilla. Napag-uusapan na rin po nila ang pagpapakasal kaya lang pareho po silang nagkakaintindihan na may mga mas importanteng bagay pa silang kailangan tutukan.” 

In-explain naman ni Romel, kanyang co-host, kung saan nagmula ang naturang 'fake thumbnail'. “Naku pinagpiyestahan ito ng bonggang-bongga Nay sa socmed, na buntis nga. Naku, hindi! Hindi totoo 'yan.”

“Pero ang daming napaniwala kasi dinoktor pala itong video niya, pinalitan ng thumbnail kaya, Diyos ko, kumalat nang walang pakundangan sa social media. Ayu'n pinaglaruan na naman sila.”