Paolo Contis matapang na itinag ang IG account ni Yen Santos sa kaniyang IG story

Paolo Contis matapang na itinag ang IG account ni Yen Santos sa kaniyang IG story

Paolo Contis matapang na itinag ang IG account ni Yen Santos sa kaniyang IG story
- Usap-usapan ngayon ang makahulugang Instagram story ni Paolo Contis

- Sa naturang IG story ay makikitang naka tag pa si Yen Santos

- Matatandaang nilinaw ni Paolo Contis na magkaibigan lamang sila ni Yen Santos

Usap usapan ngayon sa social media ang nakakagulat na Instagram story ng aktor na si Paolo Contis.

Sa naturang IG story ay nagbahagi ng kaniyang litrato si Paolo Contis kung saan makikita ang pagiging masaya nito.

Kaakibat ng story ang caption na "pssssst.. good morning", ngunit ang tunay na nakapukaw sa atensyon ng marami ay ang naka tag sa naturang IG story.

Ito ay walang iba kundi si Yen Santos.


Matatandaang umingay ang pangalan nilang dalawa matapos na aminin ni LJ Reyes na hiwalay na sila ni Paolo Contis.

Kasunod ng hiwalayan ay ang pagiging spotted nilang dalawa ni Yen Santos sa Baguio na magkasamang kumain sa isang restaurant.

Matapos nito ay nilinaw naman ni Paolo Contis na magkasama sila ni Yen doon bilang magkaibigan lamang.

Ikaw anong reaksyon mo sa Instagram story na ito ni Paolo Contis?