Christine Samson, may patama nga ba sa mga netizens na idinadawit siya sa “blind item” issue ni Xian Gaza?

- Nagbahagi ng isang Instagram post si Christine Samson na nadawit sa blind item ni Xian Gaza

- Boyfriend ni Barbie na si Diego Loyzaga, may komento rin! 

- Anong “lies” kaya ang tinutukoy ni Christine sa kanyang Instagram post?

Pumutok ang issue ng blind item ni Xian Gaza nang ipost niya ang viral blind item issue na pumukaw ng atensiyon ng karamihan online.

May mga pangalan ring naidawit kasama ang mag-ex ngayon na sina Alodia Gosiengfiao at Wil Dasovich pati narin ang ilang celebrities na sina Barbie Imperial at Christine Samson.

Nagpost naman si Christine Samson na sa tingin ng ilang netizens ay patama ito dahil sinasama ang pangalan niya sa blind item ni Xian Gaza.

“Me staring at my screen reading all the lies i see today” ang caption sa kanyang Instagram post.

Nagcomment rin ang boyfriend ni Barbie Imperial na si Diego Loyzaga sa nasabing post: “Goood vibesssss only”.