Lolit Solis dinipensahan si Paolo Contis!, "Alaga ko yan syempre ipagtatanggol ko at Hindi lang babae ang hurting dito,

Lolit Solis dinipensahan si Paolo Contis!, "Alaga ko yan syempre ipagtatanggol ko at Hindi lang babae ang hurting dito,

Lolit Solis dinipensahan si Paolo Contis!, "Alaga ko yan syempre ipagtatanggol ko at Hindi lang babae ang hurting dito,
- Matapos ang exclusive interview ni LJ kay Tito Boy Abunda ay naglabas ng kaniyang saloobin si Lolit Solis

- Si Lolit ang siyang lasalukuyang manager ni Paolo Contis

- Bahagi nito na hindi lamang daw si LJ ang hurting, sigurado siyang maging si Paolo rin

Matapos na mapag usapan ang kumpirmasyon ni LJ Reyes ng kanilang hiwalayan ni Paolo ay naging sunod sunod ang post ni Lolit Solis sa kaniyang IG account.

Si Lolit Solis ay ang kasalukuyang manager ni Paolo Contis.

Ani ni Lolit sa kaniyang IG posts ay hindi lang naman daw ang babae ang hurting sa hiwalayang mag-asawa, kaya hindi raw maganda na putaktihin ng negatibong kumento si Paolo.

“Iyon broken relationship hindi lang babae ang hurting. Sa mga nakita ko madalas pa ngang in pain at mas mahirap mag move on iyon lalaki dahil hindi tulad ng babae na open sa kanilang nadarama, mas madalas na itinatago ng mga lalaki ang tunay nilang feeling.

“I feel for Paolo Contis and LJ Reyes. Matagal rin ang naging relasyon nila, nagkaruon sila ng anak, at ngayon ay hiwalay na sila. Imposible na hindi sila parehong nasaktan. Imposible na hindi sila apektado. Kahit siguro naging mas matindi ang problema kaya hindi nila nakaya at humantong sa hiwalayan, sana naman walang bitterness na mamagitan.

“Nasaktan sila pareho, puwedeng mas sumuko ang isa at hindi nakaya, pero sana iyon naging pagmamahal nila sa isa’t isa ang maging lasting memory para na rin kay Summer. Puwede naman hiwalay kayo pero nandun pa rin sa mga puso nyo ang pagmamahal, dahil nga hindi naman siguro magkakaroon ng Summer kung wala ang love.

“So sad for Paolo and LJ. It was not meant to be, pero sana makatagpo pa sila pareho ng happiness in their journey. Let Summer be the sunshine of their life. Sana maging friends pa rin sila.” hiling ni Lolit para sa dalawa.

Hindi ikinatuwa ng marami ang naging pahayag na ito ni Lolit sa kaniyang post kaya naman nagbahagi ulit ito ng kaniyang saloobin.

"Manager ako ng mga alaga ko, dapat talaga ipagtanggol ko sila. Pag mali sila, sure ako pagbabayaran nila iyan sa buhay. Iyon na lang ang hintayin natin, huwag na tayo pa stress sa hindi natin problema.... Smile na lang tayo," ani ni Lolit.