Cristy Fermin kumambiyo, Si Paolo at Yen daw talaga ang nasa video, nagkayayaan lang daw magsimba

Cristy Fermin kumambiyo, Si Paolo at Yen daw talaga ang nasa video, nagkayayaan lang daw magsimba

Cristy Fermin kumambiyo, Si Paolo at Yen daw talaga ang nasa video, nagkayayaan lang daw magsimba
- Matapos na mabatikos ay kumambiyo si Cristy Fermin sa kaniyang naunang pahayag

- Matatandaan ipinagdiinan niyang hindi raw sina Paolo at Yen ang magkasama sa isang video

- Inamin niyang may source na nakapagsabing sina Paolo at Yen talaga ang dalawa na nagkayayaang magsimba

Nitong nagdaang mga araw lamang ay ipinagtanggol ni Cristy Fermin si Paolo Contis laban sa mga namba bash dito.

Matapos niyang itanggi na sina Paolo Contis at Yen Santos ang magkasama sa video ay binago niya ang stand niya at sinabing kumpirmado nga na sina Paolo at Yen ang nasa mga video.

Nagkayayaan lang daw sila na magsimba at pagkatapos ay kumain. Dagdag pa ng host, hiwalay na sina Paolo at LJ noong naganap ang kanilang pagsimba at pagkain.

“Totoong pong sila yun. Nagkayayaan lang daw si Paolo at si Yen na magsimba sa Manaoag. At siyempre pagkasimba, kakain," ani ni Cristy.

Ipinagdiinan din nito na hindi raw maituturing na third party si Yen Santos kung totoo mang may relasyon ang dalawa dahil matagal ng hiwalay si Paolo at LJ.

“Kumbaga, hindi na po siya (Yen) naging third wheel. Hindi po siya ikatlong bahagi or third party kasi hindi po niya pinasok yung relasyon nila Paolo at LJ. Nasa labas na si Paolo, nang sila ay mag tambal sa ‘A Faraway Land.’ Nasa labas na rin po ng relasyon si Paolo, ng pumunta sila sa Manaoag, nagdasal at kumain sa labas. At wala ng pwedeng ibato pa laban kay Yen kasi labas na sila dun eh."