Cristy Fermin ipinagtanggol si Paolo Contis, itinanggi ring si Yen Santos ang kasama nito sa video

Cristy Fermin ipinagtanggol si Paolo Contis, itinanggi ring si Yen Santos ang kasama nito sa video

Cristy Fermin ipinagtanggol si Paolo Contis, itinanggi ring si Yen Santos ang kasama nito sa video
- Nitong nagdaang araw lamang ay nag trending sa social media sina Paolo Contis at Yen Santos

- Sa isang lumabas na video ay tinuturo ng lahat na sina Paolo Contis ito kasama si Yen Santos

- Samantala pinabulaanan naman ni Cristy Fermin ang lahat patungkol kina Paolo at Yen

Nitong nagdaang araw lamang ay nag trending sa social media ang isang video na ayon sa mga netizens ay sina Paolo Contis at Yen Santos.

Matatandaang kagagaling lamang nga sa hiwalayan ni Paolo Contis sa kaniyang asawang si LJ Reyes kaya naman mainit ang mata ng netizens sa galaw nito.

Samantala pinabulaanan naman ni Cristy Fermin ang lahat ng akusasyon ng netizens laban kay Paolo Contis, sa kaniyang radio show ay sinabi ni Cristy na hindi umano sina Paolo at Yen ang mapapanood sa naturang trending video.

Panoorin ang video dito:

“Hindi po si Yen yung babae, lalong hindi po si Paolo yung lalake,” pagdidiin ni Cristy. Dahilan niya, alam na daw nila ang tindig at galaw ng dalawa dahil nakikita nila ito sa personal.

Pinagdiinan ni Cristy na wag daw basta maniwala sa mga Marites ng social media.