Intriga ng Netizens, Gerald Anderson at Julia Barretto nagkakasawaan na?

Intriga ng Netizens, Gerald Anderson at Julia Barretto nagkakasawaan na?

Intriga ng Netizens, Gerald Anderson at Julia Barretto nagkakasawaan na?
- Trending sa tiktok ang di-umano'y panlalamig o kakaibang kilos ni Gerald kay Julia

- Napansin kasi ng netizens na tila casual at wala sa mood na kasama ni Gerald si Julia

- Kumento naman ng showbiz personality na si Ogie Diaz na malamang na dahil lamang sa age gap nila kaya ganito ang gawi ni Gerald.

Trending at naging usap usapan kamakailan ang di-umano'y panlalamig at pananawa ni Gerald Anderson sa kasintahan nitong si Julia Barretto.

Sa isang Tiktok Video kasi ay mapapanood ang tila wala sa mood at casual na pakikitungo ni Gerald Anderson kay Julia Barretto.

Sa latest YouTube vlog naman ng Showbiz Personality na si Ogie Diaz ay naging paksa nila ang naturang intrigahan ng netizens.

Pakli ni Ogie na maaaring dahil sa age gap ng dalawa kaya nami misinterpret lamang ng netizens ang mga gawi ni Gerald kay Julia Barretto.

Tila hindi naman ito makatotohanan lalo pa't kamakailan lamang ay nag upload si Julia Barretto sa kaniyang YouTube vlog kung saan tampok ang kaniyang inang si Gretchen kasama si Gerald.


At mapapanood sa nasabing video ang kasiyahan sa kanilang tatlo na para bang magaan ang loob ng bawat isa sa kanila.