Andi Eigenmann itininda ang mga lumang damit, buong kikitain ido donate sa health center

Andi Eigenmann itininda ang mga lumang damit, buong kikitain ido donate sa health center

Andi Eigenmann itininda ang mga lumang damit, buong kikitain ido donate sa health center
- Sa latest vlog na ibinahagi ni Andi ay may magandang balita itong ibinahagi

- Naisip nitong ibenta ang mga pre loved clothes nilang mag anak

- Ang pagbebentahan nito ay ido donate niya sa health center sa lugar nila

Kinaaaliwan at kinatuwaan ng netizens ang latest vlog ni Andi Eigenmann kasama pa ang mga anak nito.

Sa vlog niya na may titulong 'A week in our island life', ay mapapanood si Andi kasama ang anak na si Ellie habang nag so sort sila ng kanilang mga lumang damit.

"Hi guys, we are in the playroom, we are organizing, sorting our clothes, our pre-loved for our ukay-ukay this weekend," ani ni Andi.

"Si Ate Ellie is also selling her clothes, her old clothes," dagdag pa nito.


"Ang tagal ko nang gustong magkaron ng purpose yun mga pre-loved clothes namin," pakli pa ni Andi dahil sa kagustuhan nitong makatulong sa kababayan niya.

"Alam ko na maraming ibang makikinabang and of course its better for the environment if I can see na na-pass on ko siya. But then, syempre, nahiya naman ako magbenta."


Lumakas ang loob ni Andi ng ang mismong kaibigan niya ay nag set up ng isang fundraiser upang makatulong sa kanilang Health Center.

"Ayun, so naisip ko na para hindi naman sayang ang mga binayad ng mga locals, sa kanila ko na rin ibabalik naibigay nila. Kaya ilalagay natin sa health center yung earnings.


"Yung 100% of the earnings para makatulong naman diba? And maka-help na ma-provide yung mga kulang na materials and na mas pagandahin at ayusin pa yun health center namin dito."

Panoorin ang kabuuan ng kaniyang vlog: