Maloi ng grupong BINI, pinuri ng netizens!

Maloi ng grupong BINI, pinuri ng netizens!

Maloi ng grupong BINI, pinuri ng netizens!

- Pinuri ng netizens ang BINI member na si Maloi dahil sa kanyang professionalism sa kabila ng wardrobe malfunction sa kanilang live number nitong June 13, 2021 sa ASAP Natin 'To.

- Nangyari ito sa isa sa mga dance routine ng grupo nang matanggal ang corset ni Maloi, na napansin ng ilang fans, ngunit tinapon na lang ito at nagpatuloy sa pagperform nang parang walang nangyari.

- Unang pagkakataon ito ng Bini sa ASAP stage bilang "debuted act" at bahagi ng kanilang paglunsad lalo ng kanilang pinakabagong single na "Born To Win"

Trending sa social media ang bagong P-pop girl group na BINI, lalo na sa isa sa mga myembro nito na si Maloi, nang sya ay pagpurihan ng mga netizens dahil sa kanyang ipinakitang professionalism sa kabila ng wardrobe malfunction na nangyari sa kanilang live number sa variety show na ASAP Natin 'To nitong Linggo, June 13.

Ito ay naganap habang pineperform nila ang kanilang latest single na "Born To Win". Ito rin ang kanilang unang pagkakataon na makapagtanghal sa ASAP Stage bilang isang "debuted act", kaya pinakita nila ang kanilang live vocals at ang kanilang choreography.

Sa isa sa kanilang dance routine, napansin ng ilang mala"matanglawin" na netizens at fans ang pagkakalagot ng corset na suot ni Maloi sa bandang ibabaw ng kanyang neon costume. Pero di nagpatinag ang dalaga kaya sa loob ng ilang segundo, tinanggal nya yung corset at itinapon yun sa isang tabi at nagpatuloy sa pagperform na parang walang nangyari.

Ito ang dahilan para hangaan sya lalo, at ang grupo mismo dahil sa pagiging "professional" nito. Kaya naman ang ilan sa mga tagahanga nito o kung tawagin ay "Blooms" ay napatweet rin dahil doon.

Ika ng isang nagtweet, “You got to admire Maloi’s professionalism. She kept her poise despite the wardrobe malfunction.”

“Grabe, girls! Grabe ‘yung professionalism niyo! You handled it so well. Apakasmooth!” ayon pa sa isa pang fan.

“Sobrang professional! That’s our queen!” ayon naman sa isang Bloom.

Ang BINI ay binubuo ng walong myembro, sina Jhoanna, Colet, Aiah, Maloi, Gwen, Stacey, Mikha, at Sheena. Sila ay opisyal nang nilunsad noong June 11, matapos ang dalawang taong pagsasanay sa ilalim ng Star Hunt Academy ng ABS-CBN at kalahating taon bilang rookie act. Nakapagrelease sila ng kanilang debut single, ang bersyon nila ng 1990s classic ng Smokey Mountain na "Da Coconut Nut".

Sa kanilang livestream special, doon na rin nilunsad ang kanilang latest single na "Born To Win", na para sa grupo, ito ay pagpupursige para abutin at mapagtagumpayan ang pangarap kahit pa may pagsubok o hadlang

Inilarawan ng mga bumubuo ng SHA ang BINI bilang “embodiment of the modern Filipina: sweet, fierce, independent, and informed.”

Panoorin ang performance video nila sa ASAP: