Jessy Mendiola sinagot ang nagsasabing peke ang dibdib: “nabibigatan na nga ako”

Jessy Mendiola sinagot ang nagsasabing peke ang dibdib: “nabibigatan na nga ako”

Jessy Mendiola sinagot ang nagsasabing peke ang dibdib: “nabibigatan na nga ako”
- Sinagot ni Jessy Mendiola ang ilang alegasyon sa kaniya ng mga netizens patungkol sa pagpaparetoke

- Nilinaw nito na hindi siya nagpadagdag ng kaniyang dibdib

- Sinagot din nito ang mga nagsasabing ipinaretoke niya ang kaniyang mukha at ilong

Hindi man palagi pero madalas umano na nakakatanggap ng iba’t-ibang kumento ang aktres na si Jessy Mendiola patungkol sa kaniyang dibdib.

Marami umano ang nagtataka, nagsasabi at nagtatanong kung totoo raw ba ang kaniyang tila malaking dibdib sa kaniyang Instagram account.

Kaya naman sa kaniyang latest vlog ay sinagot na ng asawa ni Luis Manzano na si Jessy Mendiola ang ilang alegasyon patungkol sa kaniyang dibdib.


Natatawang pinisil ni Jessy ang itaas na bahagi ng kaniyang dibdib tsaka sinabing, “Yes, they’re real guys”.

“Hindi ko na talaga kaya magpadagdag pa dahil bigat na bigat na rin ako sa aking hinaharap,” paliwanag pa niya.

“Kaya ako nagpapayat noon dahil hindi ko na rin kaya ang bigat ng aking boobs, Real talk. Kasi nakukuba na ako and masakit sa likod,” ani pa nito.

Sunod nito ay ang pag sagot niya sa ilan pang alegasyon ng marami hingil sa pagpaparetoke niya ng kaniyang mukha at ilong.

“Ang dami-daming nagsasabi na nagparetoke ako kasi nag-iba yung ilong ko, parang sobrang lumiit ang face ko. Pero ang totoo niyan, really, pumayat lang ako. At mas nag-mature yung face ko kaya mas naging defined yung features ko,” paliwanag niya.

“Tingnan niyo, make-up lang ‘yan. Mag-nose line lang kayo at mag-highlighter sa gitna ng ilong, tatangos din ‘yan,” aniya pa.