Heaven Peralejo, Dedma sa intriga "Everything is peaceful" ang Insta story niya

Heaven Peralejo, Dedma sa intriga "Everything is peaceful" ang Insta story niya

Heaven Peralejo, Dedma sa intriga "Everything is peaceful" ang Insta story niya
- Unbothered at dedma sa intriga ngayon si Heaven Peralejo

- Nagbahagi pa ito ng insta story vid sa kaniyang kinaroroonan

- "Everything is Peaceful" sabi niya sa isa sa mga Instagram story niya

Tila nga unbothered at dedma lang ang young star na si Heaven Peralejo s amga intrigang ngayo'y ipinupukol sa kaniya.

Sa kasalukuyan kasi ay pinag uusapan siya ngayon ng netizens dahil na rin sa pagkaka involved niya sa pinag uusapang hiwalayan ng magkasintahang sina Kiko Estrada at Devon Seron.

Sa kaniyang Instagram story ay makikitang ibinibida ni Heaven ang lugar na kinaroroonan niya ngayon.


"Everything is so Peaceful, I like it," maririnig na sinabi pa ni Heaven habang ibinibida niya ito.

Sa sumunod na litrato ay ipinakita pa niya ang magandang imahe ng lugar kaakibat ang swimming pool at ang kaniyang makinis na Legs.
Matatandaang isa si Heaven Peralejo sa mga naging Housemate sa reality show na Pinoy Big Brother: Lucky 7 kung saan nagwagi si Maymay Entrata.

Ngayon nga ay kabilang siya sa teleseryeng Bagong Umaga kung saan kabilang rin sa cast si Kiko Estrada na siyang iniintrigang hiwalay na sa mahigit 2 years niyang kasintahan na si Devon Seron.

Sa kasalukuyan ay nilimitahan na nga ni Heaven ang maaaring mag comment sa mga post niya sa kaniyang Instagram account, tila isang paghahanda upang hindi na muna siya makabasa o makatanggap ng mga kumentong mai li link sa kaniya sa maugong na hiwalayang Devon at Kiko.