Devon Seron at Kiko Estrada nagkakalabuan na?, Heaven Peralejo idinadawit ng kaibigan ni Devon

Devon Seron at Kiko Estrada nagkakalabuan na?, Heaven Peralejo idinadawit ng kaibigan ni Devon

Devon Seron at Kiko Estrada nagkakalabuan na?, Heaven Peralejo idinadawit ng kaibigan ni Devon
- Nag post ng cryptic Instagram post si Devon Seron

- Nag delete naman ng lahat ng posts sa kaniyang Instagram account si Kiko Estrada

- Sa cryptic post ni Devon ay ti-nag ng kaibigan nito sina Kiko Estrada at Heaven Peralejo

Tila nga nauuso ngayon ang pag usapan ang mga relasyon ng ilang mga kilalang personalidad partikular na ang sa Showbiz World.

Kamakailan lamang ay naging usap usapan na sina Derek Ramsey at Ellen Adarna matapos nitong umamin ng kanilang relasyon.

At nitong nagdaang mga araw lamang ay umamin na rin ng kanilang relasyon sina Gerald Anderson at Julia Barretto matapos ang mahigit sa 2 taong pag i intriga sa kanila.

Nitong araw naman ay nag post ang dating Pinoy Big Brother housemate na si Devon Seron ng cryptic post sa kaniyang Instagram account.


Sa kasalukuyan nga ay karelasyon niya ang kapamilya actor na si Kiko Estrada na isa sa mga bida ngayon ng teleseryeng 'Bagong Umaga'.

"The tounge may hide the truth but the eyes never, I asked God for a sign but I witnessed everything for myself," ani niya kaakibat ang litrato ng dalawang magkahawak na kamay.


Sa nasabing Instagram post ay nagkumento ang matalik na kaibigan ni Devon na si Kyra Custodio kung saan tinag naman niya ang boyfriend ni Devon na si Kiko Estrada kasama ang co star niya na si Heaven Peralejo kaakibat ang clapping emoji.



Samanta burado naman na lahat ng posts ni Kiko Estrada sa kaniyang Instagram account.

Hindi pa malinaw ang buong kwento ng dahilan ng pag post na ito ng cryptic post ni Devon kasabay ang pag delete ni Kiko ng lahat ng kanyang Instagram post.