Autopsy Report kay Christine lumitaw sa publiko, "Gino" na isa sa suspek isinalaysay ang pangyayari

Autopsy Report kay Christine lumitaw sa publiko, "Gino" na isa sa suspek isinalaysay ang pangyayari

Autopsy Report kay Christine lumitaw sa publiko, "Gino" na isa sa suspek isinalaysay ang pangyayari
Matapos ang mahigit sa dalawang araw mag mula ng pumutok ang balita hingil sa kaso ng Flight Attendant na si Christine Dacera ay lumitaw ngayon sa publiko ang di-umano'y autopsy report sa kanya.

Sa nasabing report ay lumilitaw na "Raptured Aortic Aneurysm" o pagputok ng ugat ang sanhi ng kanyang pagkamatay.

Lumalabas din sa report na hindi ito na rape o nagahasa bago pa man sya mabawian ng buhay, na siyang tumutugma sa mga naunang salaysay sa social media ng mga kaibigan ng mga kinikilalang suspek ngayon.


Samantala nagbahagi na rin ng kanyang salaysay ang anak ni Claire Dela Fuente na si Gigo De Guzman na siyang isa sa mga suspek sa ngayon.

Pagdidiin ni De Guzman ay hindi umano nila magagawang gahasain o patayin ang isang kagaya ni Dacera.

Sa kanyang pagsasalaysay ay matapos ang kanilang kasiyan ng madaling araw sa pagsalubong sa bagong taon ay nagising na lamang sya ng tanghali sa sigaw ng kasamahan niya.

"Guys tulungan nyo ako, parang hindi humihinga si Tin," ani ng kasama nilang si Romel Galido na kasalukuyang nasa bathroom upang i check si Tin na natutulog sa bathtub.

"So nanigas ako, natakot ako. Sabi ko, tulungan nyo ko, ilabas natin sya, kailangan ko siyang i-CPR," pagsasalaysay ni De Guzman na dali dali umanong lumapit sa kinaroroonan ni Dacera.

Agad umano nitong ni- CPR si Tin upang ma revive ito, ngunit ng wala umanong nangyari ay minabuti na nilang tawagan ang Hotel reception at ipaalam ang nangyari.

Sampung minuto umano ang lumipas ng dumating ang Hotel Manager at Head of Security upang tulungan silang bitbitin si Dacera sa isang whellchair at dalhin sa hospital na kalauna'y dineklara namang dead on arrival.

Sa pagpapatuloy ng pagku kwento nito ay ipinagdiinan niyang hindi magagawa ng mga kaibigan niya pati na siya na gahasain o saktan si Dacera, nakita pa umano nito ang lubos na kasiyahan sa mga mata ni Tin habang nagpa party sila sa loob ng hotel.

"Never po akong nagkaroon ng sexual relations sa isang babae. Never po akong tinayuan sa isang babae, palagi pong sa lalaki," sabi nito na pagpapatunay na hindi niya ginahasa o sinaktan si Dacera.

Nilinaw naman niya na hindi raw sila nagtatago bagkus ay sinusunod lamang nila ang payo ng kanilang lawyer, "Makikinig po ako sa advice ng lawyer namin-- stay put," sabi nito. "kasi wala namang warrant of arrest. Andun naman po ang contact details ko (PNP)."

Ayon naman sa latest development ay inihahanda na ng PNP ang kaso laban sa kanilang 13 na nakasama ni Dacera bago ito tuluyang nabawian ng buhay.