Janella Salvador, ipapakilala na ang kanyang anak!

Janella Salvador, ipapakilala na ang kanyang anak!

Janella Salvador, ipapakilala na ang kanyang anak!
Sa pagpasok ng 2021 ay tinatapos na nga ng Kapamilya Actress na si Janella Salvador ang mga haka haka hingil sa kanyang buhay.

Sa kanyang Instagram Account ay nag post si Janella ng kaniyang litrato hawak hawak ang isang bata.

Sa nasabing post nga ay makikitang ang litrato na ito kaakibat ang katagang "It's time".

via Janella Salvador Instagram

Sa post niyang ito ay tinatapos na nga ni Janella ang haka haka ng kanyang pagbubuntis at panganganak sa kasintahang si Markus Patterson.

Maaalalang naging maugong ang balita nakaraang taon ng mapansin ng Netizens ang kakaibang post ni Janella sa kanyang instagram kung saan hindi litaw ang kaniyang tiyan.

Lalo pang nadagdagan ang paghihinala ng marami matapos na mag insta live si Markus sa kaniyang account kung saan madirinig ang wala sa focus ng kamerang si Janella.

Sa nasabing video ay sinabi ni Janella na hindi sya dapat tumalon talon dahil na rin sa kanyang kasalukuyang sitwasyon na pagdadalang tao.

Sa kabila ng haka hakang ito ay hindi naman niya kinumpirma o ipinagka ila ang kaniyang pagdadalang tao.

At ngayon nga ay wala ng pagtatago, tuluyan na niyang ipakikilala sa lahat ang kanyang anak sa kasintahang si Markus Patterson.