Matandang Babae, ipina Baranggay matapos mambato at saktan ang isang Transgender na dumadaan lang sa kalsada

Matandang Babae, ipina Baranggay matapos mambato at saktan ang isang Transgender na dumadaan lang sa kalsada

Matandang Babae, ipina Baranggay matapos mambato at saktan ang isang Transgender na dumadaan lang sa kalsada
Hindi nga naging maganda ang naging araw ng isang Transgender Netizen na si Alexis Hart Garcia.

Kaya naman tinanong nya agad ang sarili kung Karapat dapat syang pagbabatuhin dahil sa pagiging Bakla nya, at kung nakipag away sya ay sya ang mali sa maaari nyang gagawin?.

Sa kanyang Facebook Post ay ibinahagi nya ang isa sa mga di malilimutang karanasan umano nya dahil sa diskriminasyong natanggap nya mula sa kaniyang kapitbahay.

Habang naglalakad umano sya upang tumungo sa isang Mall ay pinagbabato na lamang sya ng kanyang kapitbahay na nagngangalang "Susan".

Ayon pa kay Garcia ay madalas daw umanong kinukutya at sinisita sya ng kapitbahay nyang ito na si Susan, kapag napapadaan daw sya sa tapat ng bahay nito ay tinatawag syang 'Bakla', 'Salot' at dapat umano'y ipapatay.

Narito ang paglalahad nya sa nangyari sa kanya:

"kahapon po Nov.5 papunta po akong SM masinag para doon maglunch kasama ng partner ko nang iniskandalo po ako ni aling Susan na taga Maries Village 2 brgy Mayamot Antipolo City, kung saan doon din po ako nakatira.", Panimula nya.

"Madalas nya akong nililibak, kinukutya ang aking pagkatao,binabasa ng hose tuwing ngdidilig sya ng halaman pag akoy dumadaan at inaambahan na pupulot ng bato at ibabato sa akin sa tuwing dumadaan ako sa kalsadang harap ng bahay nila at dahil hindi naman ako sanay sa gulo at nandun parin ang respeto ko sa mga babae lalot may edad na lagi ko lng pinalalagpas at lagi akong nagtitimpi."

"pero tao lang din akong pwedeng mapuno at masaktan.lalo na ang sabihan kang BABARILIN sa kadahilanang BAKLA ako.Hindi na raw ako makakadaan sa Maries Village dahil pagmamay ari nya daw ito."

"Ako po ay isa sa founders ng Transpinay of Antipolo Organization (TAO),na ang layunin ay maiangat ang pag tingin at panumuhay ng kapwa ko LGBTQI sa lungsod ng Antipolo."

"Kung sa akin nga po nangyayari ang ganitong karahasan, paano pa kaya sa mga walang lakas ng loob na ipagtangol ang kanilang sarili!"

"Sa tulong ng matalik kong kaibigan at Kagawad ng Barangay Mayamot- Kristine T. Ibardolaza   ako po ay nagsampa ng pormal na reklamo sa barangay para maliwanagan sya sa galit nya sa mga BAKLA 🏳️‍🌈."

Sa nasabi ring post ay ibinahagi nya ang Video kung saan naganap ang Kumprontasyon nilang dalawa, dito makikitang kinukutya at pinaaalis sya ni 'Susan' dahil Bakla sya at dapat daw ay mamatay.
 

Ano ang masasabi mo sa pangyayaring ito?.