Adoptive Mother ni Angeline na si Mama Bob, Pumanaw na

Adoptive Mother ni Angeline na si Mama Bob, Pumanaw na

Adoptive Mother ni Angeline na si Mama Bob, Pumanaw na
Sa kanyang Instagram Account ay ibinahagi ni Angeline Quinto ang kanyang nararamdaman hingil sa kanyang Adoptive Mother na si Sylvia Quinto na mas kilala Mama Bob.

"Mag iingat ka sa pag lalakbay Mama. 
Hindi man kita maalalayan sa paglalakad ngayon patungo sa paraiso, masaya ako nandyan ang Panginoon para umalalay sayo."

"Hinding hindi ako mapapagod sa pagpapasamalat sayo Ma, dahil sa pagkakataong ibinigay mo sa akin para maging anak mo."

"Hanggang sa muli nating pagkikita 

Namaalam na nga ang kanyang Ina na si Sylvia Quinto, na syang madalas na ibinibida ni Angeline sa kanyang Instagram Account at kakikitaan ng sobrang closeness nilang dalawa.

Sa naunang report ay ibinahagi nga ni Angeline na habang papunta sila ng Tagaytay ay nakaramdam na umano ng pagsusuka at pagkahilo ang kanyang Mama Bob.

Kinailangang dalhin agad sa Hospital ang kanyang Mama Bob dahil sa pagkakaroon nito ng Blood Clot.

Sa kanyang mga recent Instragam Post nga ay humingi ng tulong dasal ang Kapamilya Singer sa kanyang Followers upang mapadali ang pag galing nito.

Nakilala nga ng Netizens si Mama Bob dahil sa pagiging Close nito ni Angeline Quinto, madalas pa nga ay kasa kasama ni Angeline si Mama Bob kahit sa nga raket, tapings and guesting niya, kaya naman maging ang ilang kasamahan nyang artista ay napalapit na rin dito.

Kaya naman ang ilang malalapit na Artista at Kaibigan ni Angeline ay nagbigay ng pakikiramay sa kanya;

Our Condolences to Angeline Quinto and Family 😭.