From Balyena to Sexy na No Workout/Exercise ng isang Dalaga, Trending! Alamin ang kanyang sikreto

From Balyena to Sexy na No Workout/Exercise ng isang Dalaga, Trending! Alamin ang kanyang sikreto

From Balyena to Sexy na No Workout/Exercise ng isang Dalaga, Trending! Alamin ang kanyang sikreto
Trending at Usap usapan ngayon sa Facebook ang mabilis na Transformation ng isang dalaga.

Sa kanyang post kasi ay ibinahagi nya ang mabilis na pagbabago ng kanyang katawan na aniya ay tawag sa kanya ay "Taba", "Balyena" o "Dumbo".

Kapansin pansin nga na may katabaan ang dalagang si Chel Cruz na dahilan kung bakit napag desisyunan nyang magpapa payat.
Sa simula ay nagbiro pa sya ng "From Unli Rice to No Rice", pagpapa tunay na matakaw umano syang kumain.

Mabilis nyang ibinahagi na mula sa halos 96Kg na timbang nya ay bumaba na ito sa 55kg sa loob lamang ng tatlong buwan.
Ayon sa kanya; "Walang imposible basta ginusto, disiplina at tyaga lang talaga. Wala naman talagang madaling diet, lahat mahirap. Pero eto yung maisa suggest ko sa inyo na hindi komplikadong gawin para saken. LCIF lang talaga nakatulong sakin, madami akong sinubukan na diet kung ano ano na din ginawa kong work out at exercise nag enroll na din ako sa gym noon pero hindi ako pumayat payat napapagod at hinihingal lang ako."

May nag sabi sa kanya na gawin ang Low Carb at Intermittent fasting, kung saan kinakailangan nyang i monitor ang kanyang kinakain maging ang limitadong oras na pagkain.

"No rice, bread, pasta, sweets, starchy food, and soda. Bat ganto naman andaming bawal, besh madami din pwede ansasarap pa." Ani pa niya.

"Egg, chicken, pork, beef, all kinds of seafood pwede. May mga alternative din na mga food like pamalit sa rice, bread, pasta, soda mga ganyan meron." 

"Wala po akong ginawa na exercise o work out until now sinubukan ko naman pero hindi ko talaga keri masakit sa katawan lalo na sa boobs hahah lol tska nakakahingal mga teh."

"I lose 20kgs in one month, sa loob ng 1 month na yon ang tinitake ko lang is Egg, meat and water yun lang wala ng kahit na ano and nilalagay ko lang sa Egg and meat konting salt and pepper lang."

"Wala din po akong ininom na kahit na anong pampapayat eto sobrang daming nag labasan na picture ko ginagamit sa mga slimming products hindi po totoo yon scam po yun!"

"At sa mga mag sasabi na imposible yung ganon mga teh at kuya andami na po natulungan ng LCIF isa na po ako dun, hindi to fake news legit to mas legit pa sa kaibigan mo HAHAHA joke 🤪"

"Fasting hours ko po is depende sa trip ko pero ang fix ko is 23:1
Nag start ako sa 16:8 tapos nung nasanay nako ina adjust ko na paunti unti, may times na hindi ako kumakain ng 3 days 2 days umabot minsan ng 5 days wala akong food intake only water. Hindi po ito ginagawa ng biglaan."
Ibinahagi rin ni Chel na ang pinaka malaking kontribusyon ng kanyang pagiging masipag ay ang kanyang nobyo na naging inspirasyon nito.

"Sa mga nag tatanong kung paano nangyare? Ma inlove kayo sa tamang tao! Yung susuportahan kayo sa mga kinempers nyo sa buhay, yung mas mahal kayo. 🥰" Ani ni Chel.
Maaari mo ring panoorin ang ilan sa mga sinabi sa kanyang YouTube Channel Account: https://www.youtube.com/c/ChelCruz

All Photos credit to Chel Cruz