Dimples Romana, ipinakita ang tunay na ugali sa kanyang Kasambahay! na 17yrs ng nagta trabaho sa kanya.

Dimples Romana, ipinakita ang tunay na ugali sa kanyang Kasambahay! na 17yrs ng nagta trabaho sa kanya.

Dimples Romana, ipinakita ang tunay na ugali sa kanyang Kasambahay! na 17yrs ng nagta trabaho sa kanya.
 Trending at Usap usapan ngayon si Dimples Romana dahil sa kanyang malaking ginawa sa kanilang kasambahay na 17 years na nilang kasa kasama.

Labis labis ang Pagluha at pasasalamat ni Ate Vi, ang kasambahay nina Dimples Romana dahil sa sorpresang ibinigay sa kanya.

Sa kanyang Latest Vlog kasi ipinakita ni Dimples kasama ng asawang si Boyet ang isang bagong Bahay sa kanilang Kasambahay.

Ayon sa kwento ni Dimples si Ate Vi na kanilang kasambahay na ang madalas na nag a approve ng mga property na kanilang binibili dahil sa magandang panlasa ng kanilang kasambahay pagdating sa pamimili ng property na bibilhin ng mag asawa.

Ngunit lingid sa kaalaman ni Ate Vi ay ang bahay na kinikilatis nya pala ay ang bunga na ng kanyang pagtatrabaho ng higit sa 17years sa pamilya ng mag asawang Dimples at Boyet.

Ang bahay pala na iyon ay ang kanyang magiging bagong bahay na, na pinag ipunan ng mag asawang Dimples at Boyet para talaga sa kanilang kasambahay na si Ate Vi.

“Sa buhay natin, meron tayong mga kapamilya na maaring hindi natin kadugo na inaalagaan tayo, may malasakit sa atin, minamahal tayo ng higit pa sa mga pamilya nila,” ani Dimples.

“Si Ate V namin is one of our biggest blessings in life. Itinuring na niya kaming pamilya at pamilya na din namin siya. Kasama namin siya sa kalungkutan, kaguluhan, sa pagpupursigi at sa tagumpay.” dagdag nito.


"She has been with us for 17 years, opo, kasing haba na din ng taon ng pag-aasawa namin ni Papa Boyet at ng pamilya namin. Kasama na namin siya nung nagsisimula pa lang kami. Puro dasal at pangarap pa lang kami nun. Nagsisimula pa lang mag-ipon.” Sabi ni Dimples.


“May mga buwan na late namin siyang nababayaran ng sweldo dahil abot abot ang mga gastusin namin. I would always ask her and tell her puwede na niya kaming iwan dahil nahihirapan na kami to give her her salary, and yet through thick and thin, hirap at ginhawa, sa meron at wala, hindi nya kami iniwan.” Madamdaming sinabi ni Dimples.

“Hindi namin maabot ang mga pangarap namin, kung walang ‘Ate V’ kaming kaagapay sa araw araw na pamumuhay,” dagdag pa ng aktres.

"Ilang taon ko na din [pinag-ipunan] ito para sa iyo. … Sa gabay at awa ng Diyos, sa daming dasal, dumating na ang panahon na pinapangarap ko lang na dumating.”


“Maibabalik na namin sayo ate V ang maraming taon ng serbisyo mo sa amin na para bang mga kapatid mo na kami. Mahal na mahal ka namin. Sana nagustuhan mo.”


Ito ang madamdaming Sinabi ni Dimples sa kanyang kasambahay na si Ate Vi.

Iba talaga magbigay ng reward kapag buong puso mong minahal ang iyong trabaho!

Kudos sa mag asawang Dimples Romana at Boyet Ahmee.