Liza Soberano, nagsampa ng kaso sa babaeng gusto syang ipa Rape

Liza Soberano, nagsampa ng kaso sa babaeng gusto syang ipa Rape

Liza Soberano, nagsampa ng kaso sa babaeng gusto syang ipa Rape


Naging trending at Usap usapan nga sa Social Media ang pag rereklamo ni Liza Soberano ng kanyang mabagal na Internet.

Nakiusap sya sa Converge via Twitter kung pwede raw umanong gawan ng paraan ang napakabagal na Internet Connection sa kanilang bahay.

Ayon sa kuwento ng kanyang Manager na si Ogie Diaz, Hulyo ng taong ito pa lamang ay itinawag na raw ng pamilya Soberano ang problemang ito sa kanilang Internet Connection, ngunit hindi raw sila sinusolusyunan ng kanilang customer service.

Imbes na maghintay umano ng sagot mula sa customer service ay minabuti na lamang daw ng pamilya Soberano na bumili ng Wifi Mesh upang mapalakas ang signal, ngunit wala raw naging resulta ang ginawa nila at nanatili sa mabagal ang Internet Connection nila.

Kaya naman halos dalawang buwan na raw umanong mabagal ang Internet Connection nila at napuno na si Liza Soberano kaya nagawa nitong magreklamo sa kanyang Twitter Account.

Dahil nga sa reklamong ito ni Liza Soberano ay ini offer sa kanya ng PLDT ang kanilang pinaka-malakas na Internet Service na kalauna'y tinanggap naman ni Liza Soberano.

Ngunit tila hindi ito nagustuhan ng olang empleyado ng Converge dahil pinagusapan nila ang dalaga.

Ani ng ilang empleyado ng Converge; "Yung nag post sya na sinalba kuno ng new provider nya... Tapos 99% naman ng comments negative.. 😂😂😂."



At dito nga nag kumento si Melissa Olaes ng "wala tayong magagawa, wala ng trabaho, kaya di bale ng masira ang image, magkapera lang. sarap ipa rape sa mga..... ewan!."



At sa usapang ito ng mga empleyado ng converge ay inilabas din nila ang ilang impormasyon ni Liza Soberano patungkol sa kanyang Internet Plan na direktang lumalabas sa Customers Data Privacy Law.

Galit na galit ngang nagbahagi ng kanyang kumento si Ogie Diaz na syang manager ni Liza Soberano sa babaeng nagsabi na gusto nyang ipa rape si Liza.

At ibinahagi na ang Rape raw ay hindi basta basta birong usapin kaya naman napagkasunduan ng kanilang kampo na sampahan ng kaso ang ilang empleyado na ito na nanakot na ipa rape si Liza at naglabas pa ng Data Information ng pamilya Soberano.

Sa kanyang Facebook Account naman ay naglabas ng kanyang Apology Statement si Melissa Olaes, ngunit lalo lang ikinagalit ng netizens ang ginawa niya dahil humingi lamang sya ng pasensya sa kanyang mga nasabi ngunit hindi sya nag sorry kay Liza Soberano.

Ngayong araw September 24'2020 ay opisyal na ngang nagsampa ng kaso si Liza Soberano kasama si Ogie Diaz at Legal Counsel nito.