Julia Barretto, pormal ng nagsampa ng kaso laban kay Jay Sonza

Julia Barretto, pormal ng nagsampa ng kaso laban kay Jay Sonza

Julia Barretto, pormal ng nagsampa ng kaso laban kay Jay Sonza
Matapos ang matapang na paglabas ni Liza Soberano upang sampahan ng kaso ang babaeng ninais syang ipa rape, ay isinigaw na rin ng Netizens na gawin ito ni Julia Barretto.
Ngayong araw nga kagaya ni Liza Soberano, ay pormal ng nagtungo sa NBI si Julia Barretto upang magsampa ng Cyber Libel laban kay Jay Sonza patungkol sa malisyosong balita nito para sa dalaga.

Noong nakaraang Lunes ay malisyosong nag post ng Congratulatory Message si Jay Sonza kina Julia Barretto at Gerald Anderson dahil umano sa pagdadalang tao ni Julia kay Gerald.

Isang araw matapos nito ay agad na pinabulaanan ni Julia ang binalita ni Jay Sonza at nag post sya ng kanyang litrato na lanas ang kanyang Tiyan at may caption na Fake News.

Pinabulaanan din ng Star Magic ang malisyosong balitang ito ni Jay Sonza, maging ni Marjorie na ina ni Julia ay nagsalita umano na hindi nga nila palalampasin ang ginawang ito ng dating TV Host.

Samantala tila sinakyan naman ito ni Gerald Anderson kung saan sarkastiko nyang kinong-gratulate ang sarili sa kanyang Instagram Story.

Matapos nito ay binawi ni Jay Sonza ang kanyang pagsasabi nya na buntis si Julia Barretto at humingi sya ng pasensya dahil umano natuwa lamang sya sa balitang ito at masaya sya para kina Julia at Gerald.

Sa latest post ni Showbiz Reporter MJ Felipe ay ngayong araw nga ay nagtungo na si Julia Barretto kasama ang kanyang Legal Counsel upang pormal na magsampa ng kaso laban kay Jay Sonza.

Matatandaang ilang beses na ring nag post si Jay Sonza ng malilisyosong balita laban kina Kim Chiu at Angel Locsin, ngunit ngayon nga ay tila sumobra na sya sa kanyang mga Fake News.