Darl ng EXpecially For You ng It's Showtime, proud na ibinahaging nakabayad na siya ng utang kay Ex

Darl ng EXpecially For You ng It's Showtime, proud na ibinahaging nakabayad na siya ng utang kay Ex

Darl ng EXpecially For You ng It's Showtime, proud na ibinahaging nakabayad na siya ng utang kay Ex
- Viral at naging usap-usapan kamakailan lamang ang naging episode ng EXpecially For You ng It's Showtime

- Sa nasabing episode kasi ay naisiwalat na sa kabila ng matagal ng paghihiwalay ng mag Ex couple ay may utang pa pala si guy kay girl

- Sa kaniyang social media account matapos ang naturang episode ay ibinahagi ni Darl na nakapag bayad na ito ng kaniyang utang

Nitong nagdaang mga araw lamang ay viral at naging usap-usapan ang naging episode ng EXpecially For You na siyang segment ng It's Showtime. 

Sa pagsalang ng mag Ex couple na sina Gleanne at Darl ay naisiwalat dito na sa kabila ng matagal ng paghihiwalay ng dalawa ay mayroon pa ring pagkakautang si Darl sa ex na si Gleanne. 

Na-pika o napikon nga sa naturang sitwasyon ang ilang host kabilang na sina Tiyang Amy at Vice Ganda dahil sa pagtatanong tanong pa nila ay tila walang kongkretong plano si Darl kung kailan niya babayaran ang pagkakautang sa ex na si Gleann. 

Matapos ang ilang araw ay nagbahagi ng update sa kaniyang facebook account si Darl at dito ay proud niyang ibinalitang nakapag bayad na siya ng utang kay Gleann. 

Narito ang kaniyang caption sa naturang post niya:

"Hello Guys, Sa mga nag aask and humihingi po ng updates. Settled na po.
Humihingi po ako ng sorry sa lahat and lalo na po kay Gleanne Gabriella sa mga nagawa ko noon. 

"That time walang wala ako dahil na rin sa problem at wala akong work. Dahil sa naging issue binigyan ako ng chance at pinagkatiwalaan ako ngayon ng Family ko para mag manage ng business namin sa ganun may income ako na pumapasok at makaipon na din ng paonti onti. 

"Sa mga nagalit and nang bash maraming salamat pa rin po . Deserve ko po lahat marami po akong natutunan at realizations. 

"Sa mga naintindihan po ako and still sumuporta. Maraming salamat po. It's Showtime and Sa Expecially For U Maraming salamat po." 

Samantala ibinalita rin ni Geanne sa kaniyang facebook account ang naturang pangyayari at ipinanawagan nito na nawa'y matigil na ang netizens sa pamba bash sa kaniyang ex. 

"Hi guys! to clear Darl’s name, bayad na po siya sa utang nya sakin stop the hate na po i know that y’all guys hurt like i do sa nagawa nya sakin but i know that he really learned his lesson. Thank you so much, It's Showtime sa Expecially For U na segment nyo dahil napilitan na siya magbayad HAHAH char," sabi ni Gleannale.