Ilang mga Kapuso artists, kinanta ang themesong ng 'Showtime' kasama si Vice Ganda

Ilang mga Kapuso artists, kinanta ang themesong ng 'Showtime' kasama si Vice Ganda

Ilang mga Kapuso artists, kinanta ang themesong ng 'Showtime' kasama si Vice Ganda


 - Welcome na welcome na ang mga Kapuso artists na mag-guest sa Kapamilya noontime show na 'It's Showtime'

- Mapapanood sa Instagram story ni Vice Ganda ang masayang kantahan nila Ken Chan at Kyline Alcantara ng themesong ng Showtime

- Masaya namang sinabi ni Vice na mayroon na raw siyang mga bagong guests sa Showtime na tila hint na rin sa madlang people

Inistory ng unkabogable superstar na si Vice Ganda ang masayang pagsasama nila ng ilang mga Kapuso artists tulad nila Ken Chan at Kyline Alcantara sa Instagram.

Makikita sa video na kanyang ishinare ang pagkanta ng dalawa ng themesong ng Kapamilya noontime program na kung saan hiniritan ito ni Vice Ganda.

Masaya nitong sinabi na mayroon na raw siyang mga bagong guest na mapapanood sa Showtime. 

Maliban kina Ken Chan at Kyline, present din sa birthday party ni Ivor Julian sina Mavy Legaspi at Rayver Cruz.