Marcos loyalist na si Elizabeth Oropesa tila nadisappoint at masama ang loob kay BBM

Marcos loyalist na si Elizabeth Oropesa tila nadisappoint at masama ang loob kay BBM

Marcos loyalist na si Elizabeth Oropesa tila nadisappoint at masama ang loob kay BBM


- Tila nadisappoint ang aktres na si Elizabeth Oropesa sa kanyang presidenteng si Bongbong Marcos

- Inamin nitong nagkaroon siya ng hinanakit kay BBM dahil hindi umano nito na-'appreciate' ang ginawa niya para sa pangulo

- Pinabulaanan naman niya na humiling siya na magkaroon ng puwesto sa gobyerno nang maluklok si Marcos

Hindi umano pinapahalagahan ni pangulong Bongbong Marcos ang sarili niyang tagasuporta. Iyan ang inamin ng aktres na si Elizabeth Oropesa na hindi niya umano ikinatuwa.

Naimbitahan si Elizabeth sa isang panayam sa YouTube channel ni Morly Alinio at doon ay natanong siya kung nagtangka ba siyang makasungkit ng upuan sa gobyerno.

Hindi raw niya hiniling kailanman na magkaroon ng puwesto sa pamahalaan kahit na siya ay magiliw na tagasuporta ng mga Marcos.

Inamin niya na bago pa ang mainit na Halalan 2022 ay talagang nakasunod na siya sa mga Marcos ngunit mayroon siyang dinidibdib na sama ng loob.

“Even before, ilang taon na ba akong nakipaglaban? 37 years na akong nakipaglaban, ‘pag sinabi kong loyal ako sa’yo, loyal ako sa’yo,” pahayag niya.

Dagdag pa niya, “‘Yung ginagawa ko kasi ‘yun hindi naman ako nag-eexpect ng kahit ano. Of coures you’re hoping na mapansin ka. Kasi after all matanda na ako. I’ve been fighting for so long. Edi you’re hoping na mapansin ka.”

Hindi rin daw kasi napansin ni Bongbong ang kanyang nagawa para sa kanya dahil isa siya sa tagasuporta nito. Tanging ang kapatid lang nitong si Imee ang nakapansin sa kanya.

“Wala nga akong litrato niya na may pirma. Maniwala ka… ang pumapansin sa akin palagi, na palaging tumutulong na nand’yan kahit anong mangyari… si Imee,” kwento nito.