Laptrip na 'bulol moments' ng ViceAnne sa Showtime, pinagkatuwaan ng netizens

Laptrip na 'bulol moments' ng ViceAnne sa Showtime, pinagkatuwaan ng netizens

Laptrip na 'bulol moments' ng ViceAnne sa Showtime, pinagkatuwaan ng netizens


- Pinagkatuwaan ng netizens sina Vice at Anne kanina sa It's Showtime dahil sa sunod-sunod na pagkabulol ng dalawang host

- Mula sa unang segment pa lamang ng programa ay hindi na maiwasang hindi mabulol sina Vice at Anne

- Tuwang-tuwa naman ang co-hosts nila na sina Vhong at Jhong kaya pinagtitripan sila sa tuwing mabubulol ito

'Laptrip' ang hatid ng magkaibigang Vice Ganda at Anne Curtis dahil sa 'bulol moments' nila sa simula pa lamang ng programa nilang It's Showtime.

Nitong June 15, 2023 ay kapansin-pansin ang maya't-mayang pagkakamali nina Vice at Anne habang naghohost sa segments nilang 'Rampanalo' at 'Isip Bata'.

Simula pa lamang sa Rampanalo ay pinagtatawanan na nila Vice si Anne dahil sa tila 'lutang' nitong pagsasabi ng salita dahilan upang ito ay mabulol.

Pinagtripan naman silang dalawa nina Vhong at Jhong dahil pati si Vice ay nahawa na rin sa pagkabulol ni Anne.
 

@kapamilyafiles ViceAnne bulol moments sa It's Showtime 😅 @ABS-CBN @itsshowtimena #Kapamilya #ABSCBN #ItsShowtime #ViceGanda #AnneCurtis #fyp #foryou ♬ original sound - Kapamilya Files