Gladys Reyes sinagot ang isang netizen na nagsabing nagpagawa ito ng ilong

Gladys Reyes sinagot ang isang netizen na nagsabing nagpagawa ito ng ilong

Gladys Reyes sinagot ang isang netizen na nagsabing nagpagawa ito ng ilong


 - Napagkamalang nagpaayos ng ilong ang It's Showtime judge na si Gladys Reyes sa picture na ibinahagi niya online

- Napansin kasi ng isang netizen na tila mas tumangos ito kaysa sa dati nitong itsura

- Nagbabalik naman si Ms. Gladys sa Kapamilya noontime show bilang hurado sa segment nitong Mini Ms. U

Nagbabalik na ang 'original' It's Showtime judge na si Gladys Reyes sa bagong season ng 'Mini Ms. U' na mapapanood tuwing Monday, Wednesday, at Friday pagkatapos ng 'Rampanalo' segment ng programa.

Naka-schedule kasi tuwing Tuesday, Thursday, at Saturday ang Isip Bata na susundan ng Tawag ng Tanghalan Duets kaya naman mas 'siksik' ang entertainment na mapapanood ng madlang people lalo na't mapapanood na rin sila sa GTV ng GMA.

Sa pagtapak muli ni Gladys sa Showtime, nagbahagi ito ng kanyang litrato sa Instagram upang ipakita sa kanyang followers ang kanyang pagbabalik. Kita rin sa picture ang 'behind-the-scene' niya habang nagju-judge ng mga Mini Ms. U candidates.

"It's good to be back after 13 years in Showtime! Reunited with maldita sis @praybeytbenjamin. Delighted to see again the gorgeous @annecurtissmith and happy to be a 'hurado' again, this time for the new segment, Mini Ms. U," caption ng aktres.

Masaya naman ang kanyang followers sa balita na ito kaya marami ring napacomment. Isa nga rito ang netizen na inakalang nagpagawa siya ng ilong.

"Bkt nag paayos ng ilong c mam gladys," komento ng kanyang follower.

Natawa nalang si Gladys at sinabing baka lang dahil bumababa ang kanyang timbang kaya nagmukhang 'mas matangos' ang kanyang ilong.

"Hahaha! Nku hindi po bka po dahil nagloose ako weight kaya kala nyo po naiba nose," natatawang reply nito.

Simula July 1, tuloy ang pagpapasaya sa mga madlang people sa GTV, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, at A2Z tuwing tanghali.