Lolit Solis sinabing 'bongga' pa rin si Vice Ganda kahit 'malaos'

Lolit Solis sinabing 'bongga' pa rin si Vice Ganda kahit 'malaos'

Lolit Solis sinabing 'bongga' pa rin si Vice Ganda kahit 'malaos'


- May komentaryo si Lolit Solis sa pagiging sikat ng unkabogable star na si Vice Ganda

- Aniya, malaking bagay para kay Vice na 'matikman' ang pagiging sikat lalo na't lumaki ito sa hirap

- 'Bongga' pa rin naman para sa kanya si Vice kahit na malaos ito at mawala na ang kanyang pagiging sikat

Isa ngayon sa mga tinitingalang bituin ng entertainment industry ang Kapamilya unkabogable superstar na si Vice Ganda dahil sa pagiging magaling nitong komedyante, host, at aktres.

Bukod sa pagiging influential, marami rin natutuwa sa kanya sa It's Showtime dahilan upang magpatuloy ang kanyang pagiging sikat at makilala ng buong mundo.

Isa sa nagreact sa kasikatan ni Vice ang showbiz columnist na si Lolit Solis. Aniya sa kanyang Instagram account, matagal nang sikat at relevant pa rin hanggang sa ngayon si Vice Ganda.

"Sabi ni Vice Ganda takot daw siya malaos. Lahat naman ng nasa itaas kinatatakutan ang araw ng pagbagsak. Pero malaking bagay na para sa isang star ang matikman ang buhay sa itaas. 

"Masuwerte nga si Vice Ganda dahil matagal din siyang nasa itaas at talagang nabago ang buong buhay niya at ng kanyang pamilya," komento ni Lolit.

Pinuri rin niya ang paghahawak ng pera ni Vice dahil hanggang ngayon ay maayos na namumuhay pa rin ito. 'Bongga' pa rin naman daw ito kahit malaos pagdating ng panahon.

"Mahusay din ang naging paghawak niya ng kanyang kita kaya naging maayos ang takbo ng buhay niya. Hindi bale ng malaos, basta natikman mo maging sikat. Saka masarap narin buhay niya kahit pa nga wala na sa itaas. Bongga parin," dagdag pa ni Lolit.