Angelica Panganiban kinagiliwan dahil sa 'journey' ng pagiging ina niya: "Ang bait-bait mo kasi!"

Angelica Panganiban kinagiliwan dahil sa 'journey' ng pagiging ina niya: "Ang bait-bait mo kasi!"

Angelica Panganiban kinagiliwan dahil sa 'journey' ng pagiging ina niya: "Ang bait-bait mo kasi!"


 - Kinagiliwan ng maraming netizens ang post ni Angelica Panganiban sa kanyang 'journey' ng pagiging isang parent

- Maraming natuwa sa ibinahaging pictures ni Angelica lalo na sa mga cute na picture ng kanyang anak

- Nagpasalamat naman ito sa Panginoon dahil sa 'regalong' natanggap niya na si baby Amila Sabine

Masayang-masaya ang puso ng Kapamilya star na si Angelica Panganiban sa regalong natanggap niya sa Panginoon nang ipagbuntis niya si baby Amila Sabine.

Nag-hiatus muna kasi ang aktres sa mga acting projects upang tutukan ang pag-aalaga sa kanyang anak. Marami namang na-cute-an sa ibinahaging pictures niya sa Instagram.

Kita doon ang breastfeeding journey ng aktres kaya naman marami sa kanyang humanga dahil kitang-kita namang mahal na mahal nito ang anak.

"Our breastfeeding and co-sleeping journey! Ang saya-saya ng puso ko, thank you Lord for the gift of family," caption nito.

Marami namang nagcomment tulad ng, "Ang bait bait mo kase kaya binibigay ni Lord ang desire ng puso mo! Keep on praying and loving! You deserve all these after the pain you’ve been through," bahagi ng netizen.