Claudine Barretto, balik-Kapamilya na nga ba?! Makakasama nga ba sa teleserye ng DonBelle loveteam?

Claudine Barretto, balik-Kapamilya na nga ba?! Makakasama nga ba sa teleserye ng DonBelle loveteam?

Claudine Barretto, balik-Kapamilya na nga ba?! Makakasama nga ba sa teleserye ng DonBelle loveteam?

Muli na nga bang magbabalik Kapamilya ang aktres na si Claudine Barretto?

Nito kasing April 14, Biyernes ay naging usap-usapan sa social media ang artikulo ng showbiz website na Abante na diumano, makakasama si Barretto sa upcoming teleserye ng Star Creatives at ABS-CBN Entertainment na "Can't Buy Me Love" na pagbibidahan nina Donny Pangilinan at Belle Mariano (DonBelle).

Ayon sa naturang artikulo, gaganap si Claudine bilang ina ng role ni Mariano sa upcoming Kapamilya romantic-comedy series.

Sa ngayon, wala pa namang kumpirmasyon na nilalabas ang kampo ni Claudine o ng ABS-CBN ukol dito. 

Marami-raming netizens ang nagulat lalo't di naman lihim na sinabi noon ni Claudine na kasado na itong pumirma ng kontrata sa Advanced Media Broadcasting System (AMBS), ang parent company ng ALLTV Channel 2 pero di na natuloy kasunod din ng pagkalas ng ilang personalidad sa ailing TV network ni dating Sen. Manny Villar. 

Excited na din ang karamihan lalo na't malaki daw ang tsansa na maraming matutunan si Mariano kay Barretto, na beterana na din sa mundo ng aktingan. 

Matatandaan na noong isang buwan, kinumpirma ng komedyanteng si Bayani Agbayani na makakasama sya sa serye ng DonBelle loveteam bagama't di pa naman nagsisimula ang shooting ng naturang serye.

Mapapanood ang Can't Buy Me Love sa ABS-CBN Primetime Bida simula ngayong taon sa Kapamilya Channel at Kapamilya Online Live.

Eere din ito sa A2Z Primetime ng A2Z Channel 11 at Todomax Primetime Singko ng TV5.