Alden Richards at Julia Montes, magtatambal sa isang bagong pelikula

Alden Richards at Julia Montes, magtatambal sa isang bagong pelikula

Alden Richards at Julia Montes, magtatambal sa isang bagong pelikula
📷: Philippine Star

Sa isa pang pagkakataon, muling magtatambal sa isang bagong pelikula ang isang Kapuso at ang isang Kapamilya.

Ngayong araw, pormal na ipinakilala sa isang press conference ang bagong tambalan ng GMA-7 A-lister na si Alden Richards at ang "Daytime Drama Queen" ng ABS-CBN na si Julia Montes.

Magtatambal sina Richards at Montes sa pelikulang "Five Break-Ups and a Romance" na sama-samang ipo-produce ng CS Studios ng Cornerstone Entertainment, Myriad Productions na production company ni Alden at ang GMA Pictures, ang film production ng GMA Network.

Magsisilbing consultant naman para sa pelikula si Malou N. Santos, na dating managing director ng ABS-CBN Film Productions (Star Cinema). 

Idi-direk ni Irene Villamor ang naturang pelikula, na siya ring direktor ng mga well-loved movies ng Viva Films tulad ng "Sid and Aya: Not a Love Story", "Meet Me in St. Gallen", "On Vodka, Beers and Regrets" at "Ulan".

Maliban sa isang kakaibang love story, ipapakita din daw ng pelikula ang naiibang ganda ng Singapore at Bonifacio Global City (BGC) ng Taguig City, kung saan inaasahang gagawin ang pelikula.

Ani ni Villamor, excited na daw syang gawin ang pelikula dahil maliban daw sa kakaibang tambalan nina Richards at Montes, nagagalingan din daw sya sa acting prowess ng Kapuso at Kapamilya stars. 

“We have done just one reading pa lang at sobrang dami na namin na-discuss about the concept so nakaka-excite makita paano nila bubuhayin 'yung mga characters sa script,” ani ni Villamor.