"Talagang tumigil ang mundo": Kapamilya P-Pop group BGYO guests on GMA-7 for the first time

"Talagang tumigil ang mundo": Kapamilya P-Pop group BGYO guests on GMA-7 for the first time

"Talagang tumigil ang mundo": Kapamilya P-Pop group BGYO guests on GMA-7 for the first time
Screengrab from GMA Network 

Talagang literal na "tumigil ang mundo" ng mga Kapamilya at Kapuso upang tutukan ang unang guesting ng Kapamilya P-Pop group na "BGYO" sa TiktoClock.

Ang TiktoClock ay isang variety game show ng GMA Network na hino-host ng mga dati ring Kapamilya talents na sina Kim Atienza at Pokwang at si 2020 Miss Universe Philippines winner Rabiya Mateo.

Nag-guest ang BGYO sa naturang GMA-7 game show noong Martes, March 7 kung saan kumpleto ang naturang members ng Kapamilya P-Pop group na sina Akira, Nate, Mikki, JL at Gelo kung saan pinerform nila ang hit song nilang "Tumitigil ang Mundo" mula sa Star Music, ang recording company ng ABS-CBN Corporation. 

©️ GMA Network/TiktoClock 

Game na game na nakipag-kulitan ang lima sa mga segments ng Kapuso pre-noontime game show kasama ang ilang Kapuso artists tulad nina Jayson Gainza at Ashley Ortega.

Bago pa ang guesting ng BGYO sa GMA-7, nauna nang nagkaroon ng guesting ang isa pang Kapamilya P-Pop group na BINI sa NET25, ang TV network ng religious sector na Iglesia ni Cristo noong 2022.

Kabilang ito sa mga hakbang na ginagawa ng ABS-CBN Corporation bilang isang content provider at story-telling company na ipakilala ang world-class talents ng kanilang mga artista sa iba't ibang plataporma.