Sean Tristan proposes to Raven Rigor

Sean Tristan proposes to Raven Rigor

Sean Tristan proposes to Raven Rigor
Humingi ng permiso ang aktor na si Sean Tristan sa kanyang "Dirty Linen" at "Beach Bros" co-star na si Raven Rigor na maging ka-date niya sa darating na Star Magical Prom na gaganapin ngayong linggo.

Sa video na i-nupload ng aktor sa kanyang social media accounts, sinalubong ni Sean si Raven sa likod ng isang van kung saan nito binuksan ang sorpresang props sa loob ng sasakyan.

"So, sabi mo kasi na gusto mong maging memorable 'yung first prom mo. Sana 'yung proposal na 'to makes it memorable at saka kung pwede lang sa 'yo pumunta tayo ng Star Magical Prom together. What do you say?" tanong nito sa kanyang kapwa aktor.

Matamis na "Yes" naman ang naging tugon ni Raven at nag-pose ito kasama ang painting at librong regalo ng kanyang co-star.
Kilig na kilig ang mga fans ng dalawang aktor at maging ang mga kasamahan nila sa industriya tulad nina Janine Gutierrez, Angelica Lao at Bianca De Vera.

Nakilala ang tambalan nina Sean at Raven sa iWantTFC series na “Beach Bros” na pinagbidahan nina Kyle Echarri at Chie Filomeno.

Noong nakaraang Agosto, inilunsad ang dalawa bilang cover stars ng “Fresh” issue ng pop culture  publication na PARCINQ kung saan kinilala sila bilang isa sa mga pinaka-promising na aktor ng kanilang henerasyon.

Isang gabing puno ng saya at pagmamahal ang handog ng Star Magic para opisyal na ipakilala sa publiko ang pinakabagong mga miyembro ng kanilang pamilya sa kauna-unahang “Star Magical Prom” na gaganapin ngayong araw, Marso 30.