Liza sa mga taong umaalma sa kanyang 'rebranding video': "I’m not upset about anything, I’m just stating facts"

Liza sa mga taong umaalma sa kanyang 'rebranding video': "I’m not upset about anything, I’m just stating facts"

Liza sa mga taong umaalma sa kanyang 'rebranding video': "I’m not upset about anything, I’m just stating facts"
Umani ng halo-halong reaksiyon mula sa netizens ang latest video ni Liza Soberano sa youtube. Ang ilan ay naantig sa kanyang mga ibinahaging personal na kuwento at ang karamihan naman ay hinusgahan siya bilang; 

"Ingrata," "Walang utang na loob,", "Lumalaki na ang ulo," at iba't ibang pang mga masasakit na salita. 

Sinagot ito ng buong loob ni Liza sa interview sakanya ng ABS-CBN.

"I guess my video was really up for other people’s interpretation but I know my piece and I am very grateful...I’m not upset about anything, I’m just stating facts, things I’ve experienced, things I’ve been through. And how I am moving forward for that,” ani Liza.

Idiniin rin niya na lubos ang kanyang pasasalamat sa lahat ng taong nakasama niya sa industriya. 

And even before, the number one thing I would always say to everyone is thank you, truly grateful. "

Ani naman ng kanyang dating manager na si Ogie Diaz, "Kung sinasabi ni Liza na kinu-kontrol siya ng mga taong nasa paligid niya, kung ako man yan at ang Star Magic, gusto kong magpasalamat kay Liza kasi sinunod niya kami. Kaya siguro sumikat siya...Eto anak, wa echos eto: I wish you good luck sa bagong bihis na Liza Soberano."

At sinagot naman ito ni Liza nang buong puso, “I want to tell him that I’m very grateful for everything that he has contributed to me, personally and to my career. And I will always be grateful for that."

Hindi rin pinalampas ni Liza na linawin ang kanyang pahayag sa pagbibigay sakanya ng screen name na "Liza."

"I never mentioned that I didn’t like the name ‘Liza Soberano’ or that I wasn’t proud of it. It’s just the fact that I wasn’t the one who chose my name because that’s one thing that a lot of people don’t know about me."

Ngayon, parte na ng Careless Music talent agency si Liza kung saan si Jame Reid ang Manager.