Billy Crawford, nagreak sa 'cake' issue ng kaibigan at LOL co-host na si Alex: "there’s no excuse for it"

Billy Crawford, nagreak sa 'cake' issue ng kaibigan at LOL co-host na si Alex: "there’s no excuse for it"

Billy Crawford, nagreak sa 'cake' issue ng kaibigan at LOL co-host na si Alex: "there’s no excuse for it"
Nagbahagi ng kanyang opinyon si Billy Crawford tungkol sa kaniyang kaibigan at Tropang LOL co-host na si Alex Gonzaga tungkol sa kinasangkutan nitong kontrobersiya dahil sa pamumunas ng cake.

Sa panayam ni Dolly Anne Carvajal ng Inquirer.net sa TV host, hiningan nito ng saloobin si Billy sa isyu ng malapit na kaibigan na si Alex.

Bumuhos ang negatibong reaksyon at pambabash kay Alex matapos magviral ang video ng pagpahid nito ng cake sa isang server noong kanyang kaarawan, mahigit isang linggo na ang nakakaraan.

Ani ni Billy, sigurado siyang natutunan na ni Alex ang kanyang leksyon dahil sa isyu, ngunit wala umanong  'excuse' sa ginawa ng kaibigan.

“I’m sure Alex has realized what she has done. But there’s no excuse for it."

Hinikayat din ni Billy na mag-move on na madla sa halip na patuloy na pagpiyestahan ang isyu. "Let’s just move on from the issue, instead of feasting on it.”

Matapos ang kanyang pagkapanalo sa French edition ng "Dancing With The Stars," ibinahagi rin ni Billy na babalik siya sa Paris sa susunod na buwan kasama ang asawang si Coleen Garcia at anak na si Amari.

“I will be promoting my album all over France. I will be shuttling back and forth from Manila to Paris and playing it by ear.”

“If a good offer comes my way in France, I’m up for it, but I won’t turn my back on my work here. Manila will always be my home.”