Neil Arce, nagsalita na sa 'di umano'y paghihiwalay nila ni Angel; Xian Gaza, napa-comment

Neil Arce, nagsalita na sa 'di umano'y paghihiwalay nila ni Angel; Xian Gaza, napa-comment

Neil Arce, nagsalita na sa 'di umano'y paghihiwalay nila ni Angel; Xian Gaza, napa-comment


 - Nagsalita na ang asawa ng Kapamilya star na si Angel Locsin hinggil sa mga chismis na sinasabing naghiwalay na raw sila

- Naging maugong ito online dahil itinuturo rin ng mga marites si Maxene Magalona bilang third party raw umano sa relasyon ng mag-asawa

- Napa-comment din si Xian Gaza sa issue at sinabing tantanan na ang mga personal na buhay nina Angel, Neil, at Maxene

Naging maingay online ang mga panangalan nina Angel Locsin, Neil Arce, at Maxene Magalona matapos silang ituro ng mga netizens sa isang blind item na inilabas ng isang entertainment website.

Ito'y patungkol umano sa isang showbiz couple na tila nagkakalabuan na dahil sa isang third party daw na female personality.

Matapos ngang kumalat sa internet ang balitang ito, naglabas naman na ng pahayag si Neil Arce, asawa ni Angel Locsin, sa mga nagpapakalat ng fake news.

Sa YouTube vlog ni Ogie Diaz, aniya'y donasyon nalang nila ni Angel ang kikitain ng mga fake news peddlers sa paggawa nila ng fake news sa kanilang mag-asawa.

"Me and my wife are charitable people. Donation na po namin sa fake News peddlers yang kikitain nila sa pagpapakalat ng fake news. Besides deserve naman ng followers and subscribers nila makarinig ng kasinungalingan," pahayag ni Neil.

Tila naiinis na rin ang 'pambansang marites' na si Xian Gaza nang hiniling nitong tantanan na ng mga netizens si Maxene Magalona na siyang itinuturo bilang third party sa isyu.

"Guys, pakiusap ko lang no. Respeto nalang sana sa mag-asawang Angel at Neil. Grabe nagpapaniwala kayo sa mga fake news.Dinamay niyo pa 'yung isang babaeng nananahimik na may pinagdadaanang depresyon ngayon. Dinamay niyo pa si Maxene, my god! Respeto nalang sana sa mga tao.

"Nananahimik sila o tapos gagawan niyo ng kwento. Diyos ko! Magbago na kayo. 'Di tama 'yung ganyan. Karma ang aabutin niyo sa buhay sinasabi ko sa inyo. Nabubuhay pa kayo sa mundo, sinusunog na ang kaluluwa niyo sa impyerno.Magbago na kayo. Respeto nalang sa tatlo 'di ba? 'Di niyo ba alam 'yung salitang respeto?" dagdag pa ni Xian.