Nadine, pinapahanap ang page admin na kinutya ang kanyang kulay; Tinawag na basura ang page

Nadine, pinapahanap ang page admin na kinutya ang kanyang kulay; Tinawag na basura ang page

Nadine, pinapahanap ang page admin na kinutya ang kanyang kulay; Tinawag na basura ang page


 - Hindi natuwa si Nadine Lustre sa isang Facebook page admin na tila pinagtatawanan ang kulay ng balat ng aktres

- Sinabi kasi ng admin na sunog na ang mukha nito at maaari nang maging kasabwat ng mga pulubi dahil sa kaitiman

- Hindi naman binanggit ni Nadine ang naturang page ngunit kung may alam daw kung sino ang admin ay ipaalam sa kanya

 Hindi inurungan ng aktres na si Nadine Lustre ang isang Facebook page kung saan kinutya-kutya nito ang kulay ni Nadine ngayon.

Viral ngayon ang page na 'Siargao Secret' kung saan gumawa sila ng isang mapanirang post hinggil kay Nadine at sinabahin pa nga itong 'pulubi'.

Nakapost din sa page ang litrato ni Nadine na may caption na, “Para nang nasunog ang mukha ni Island Girl Nadine at umitim na ang kulay nang kutis nitong babaeng itong parati na lang nag-surfing sa isla.

“Walang problema ang kaniyang nobyo na may lahing French man, namumula lang ang kutis kapag nainitan, pero si Nadine konti na lang kulang puwede nang gawing kasabwat na pulubi dahil sa kaitiman.

“Inday Nadine, malapit ka na talagang ma-certified island girl. Oh baka naman may bago na namang movie na darating. Ang Serina na Negra,” mababasa sa caption ng viral post.

May tugon naman dito si Nadine at tinawag na basura ang page habang makikita ang GIF patungkol sa clout chasing.

"also if anyone finds out who owns that page lmk. I just wanna say hello," dugtong pa niya.