Ogie Diaz, may sabi sa umano'y pagbubuntis ni Julia: "Alam mo, antayin natin..."

Ogie Diaz, may sabi sa umano'y pagbubuntis ni Julia: "Alam mo, antayin natin..."

Ogie Diaz, may sabi sa umano'y pagbubuntis ni Julia: "Alam mo, antayin natin..."


 - Maraming netizens ang inintriga ang Kapamilya star na si Julia Montes matapos nitong lumabas sa finale episode ng 'Probinsyano' noong Biyernes

- Tila kumpirmadong buntis daw kasi ito dahil hindi pinakita sa camera ang tiyan ni Julia 

- May sabi naman ang showbiz insider na si Ogie Diaz hinggil sa haka-hakang buntis ang aktres

Marami na namang tao online ang nang-iintriga sa leading lady ni Coco Martin sa 'FPJ's Ang Probinsyano' na si Julia Montes.

Sa finale episode kasi ng serye noong Biyernes, may pa-'surpise comeback' ang karakter ni Julia kung saan hindi raw umano ipinapakita sa camera ang tiyan ng aktres.

Kaya naman mas umigting pa ang chikang totoo ngang buntis si Julia, kung saan si Coco ang ama. May nagsasabi ring kakatapos lang nito magbuntis bago magtaping para sa eksena niya sa serye.

Ito naman ang isa sa naging paksa nina Tita Jegs, Mama Loi, at Ogie Diaz sa vlog nito sa YouTube.

"Eto ang pag-usapan natin, lumabas si Mara, si Julia Montes, sa ending. Nagtataka ko, 'Te, bakit walang mga close-up shot?" paunang salita ni Jegs.

"Puro close-up nga eh," sagot naman ni Ogie.

"Hindi, ng Tiya Nena. E diba may tsismis na buntis?" ani Tita Jegs sa tiyan ni Julia.

"So, parang itinago 'yung tiyan part, ganu'n ba?" tanong ni Mama Loi.

"Oo, 'Te. Diba tinago? Kasi may long shot, may wide shot, pero walang medium shot, diba?" pagtugon muli ni Jegs.

Para naman kay Ogie, "Alam mo, antayin natin kung totoo man 'yang haka-haka na buntis si Julia Montes. Hintayin nating sila ang umamin. So, kung sinabi nila na hindi buntis, edi hindi buntis. Nagmamadali ka ba? May nag-aabang bang taxi sa baba?"

Hirit ni Tita Jegs, "Hindi, kasi may napanood akong TikTok video na medyo malapit 'yung kuha. Medyo parang lumapad si Julia du'n sa video."

"Porke lumapad, buntis na, Jegs. Baka pwedeng napalakas lang ang kain," dagdag pa ni Ogie.